Daniel POV"DANIEL/BRAD!!" Sabay na sigaw nila Marco,Pat and Arisse. Kaya agad akong napalingon sa kanila. Tumakbo palapit saakin si Marco at hinatak ako pagilid.
"Bakit?"
"Gagu bro? Lutang kaba? Muntik ka nang masagasaan!" Galit na sigaw ni Marco.
Hindi mag sink in saakin ang nangyari. This is not the first time na muntik na akong masagasaan. Actually third time na to.
"Geez, its creepy na D ha! Parang hindi na to aksidente, parang may gusto na talagang pumatay sayo."
Nakaramdam ako ng takot. May gustong pumatay saakin? Pero bakit?
"Wala lang yun. Di lang talaga ako gumilid hehe. Tara na!" Hindi sila naconvince sa sinabi ko.
"Bro, hindi kaya about to sa politics ni Tito?"
"I don't think so Bro, matagal ng tumatakbo si daddy, and never kaming nakatanggap ng death threat. Wala lang talaga to. Nagkataon lang. Wag na kayong mag alala. Kapag nangyari ulit to ako na mismo ang magsusumbong kay Daddy." I smiled widely para maconvince sila.
Pumasok na kami sa loob ng coffee shop, free time namin at dito namin naisipan tumabay dahil pag uusapan din namin ang baby thesis namin.
Hindi ako makapag concentate. Hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib ko.
Para kasing may pinapahiwatig ang mga nangyayari. Hindi siya everyday nangyayari. Sa totoo lang ay everyweek siya nangyayari. Hindi ko masasabing aksidente siya dahil parang sinadya talaga.
Nasa gilid na ako para masagasaan, kaya siguro ganun ang naging reaction nina Arisse, dahil alam nila. Except sa iba pang nangyayari.
May mga sulat akong nakikita sa locker ko.
Iisa lang ang nakasulat.
STAY AWAY FROM HER OR I'LL KILL YOU!
Isa lang ang pumasok ko sa isip nun. Si Baba, alam kong siya ang tinutukoy ng sulat. Gusto niyang layuan ko si Baba.
At isa pang hula ko sa nangyayari ay si James. Hindi ko alam pero siya lang ang nakikita kong pwedeng pagbawalan ako kay Baba.
Pero bakit niya kailangan gawin yun? Kung palagi naman silang magkasama?
Palaisipan talaga saakin yun.
"Hoy D, nakikinig kaba?"
"Ha? Sorry. Asan yong dalawa?"
"Bumalik sa loob may kukunin ata sa locker mo, doon nila nailagay yong laptop ko."
Oo nga pala. Wait?! Locker?! Ko?! Sht! Agad akong napatayo! "S-Susunod ako sa kanila A, diyan ka lang."
"What?! Wag na. Pabalik na yong mga yun."
"Pero---basta babalik ako agad."
Tangna baka may makita sila doon.
Palakad palang ako nang pumasok na sila Marco. Nakakamatay na tingin saakin ni Marco, si Pat naman ay parang natatakot.
"Kelan pa to?!" Sigaw niya.
Napatingin tuloy ang mga tao saamin. "Marco wag ka ngang mag skandalo."
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfikceKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre