i love you, goodbye

3.6K 85 7
                                    

Daniel POV

"Hoy nakikinig kaba?"

"Ahh, im sorry. In-invite kasi tayo ng dinner nina Arisse sa bahay nila."

"Really? Sa bahay nila? Bago yun ah. Dati parang ayaw ni A na makatapak ako sa bahay nila, ngayon in-invite pa tayo sa dinner."

Yun nga din ang pinagtataka ko. Bakit naman mag iinvite ng dinner si Arisse? E ayaw nga niyang nakikita si Sue.

"Basta, sunduin nalang kita. I have to go baka hinahanap na ako ni tito vhong."

"Okey."

Tumayo na ako at inayos ang tie ko.

Napasinghap ako. Di ako makahanap ng tyempo. Parang nagbabago na kasi si Sue ngayon, hindi na siya matalak. Actually nagtataka nga ako kung bakit nong ilang araw akong nawala ay hindi manlang siya nagalit. Samantalang kapag di ako nakatawag sa kanya ng ilang oras nagtatatalak na siya.

"Hey babe, aalis ka ng di manlang ako iki-kiss?"

Nilingon ko siya. I kiss her cheek. "See you later okey?"

Nagtatakang tumango naman siya saakin.

Di paman ako nakakalabas ng flowershop nila ay nagsalita na siya.

"Are we still okey?"

"What do you mean?"

"Well, simula kasi ng bumalik ka galing sa trip niyo ng mga kaibigan niyo pakiramdam ko ang layo mo na sakin. Aya tinatanong kita kong okey paba tayo."

Ito naba ang tamang oras para sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman?

Hindi pa...

Ba, bigyan mo pa ako ng sapat na oras.
Hindi ko pa kaya.

"Oo naman,busy lang ako. Sige una na ako."

Tumango nalang siya saakin.

***

"Ser, tawag po kayo ni Boss."

"Okey celine, pupunta na."

Nilapag ko lang ang bag ko at lumabas din ako sa opisina ko para magtungo sa opisina ni Tito vhong.

"Ser, pasok nalang po kayo. Hinihintay na po kayo ni Boss."

"Salamat."

Kumatok muna ako bago ko buksan ang pinto ng opisina ni tito.

"Daniel, mabuti at nandito kana. Maupo ka."

"Bakit po tito?"

"May naka-schedule kasi akong meeting sa Manila sa makalawa, pwede bang ikaw na ang umattend? Nakita ko kasing wala ka namang naka-schedule sa araw na yan. Naisip ko lang kong pwedeng ikaw na ang umattend."

"Sige po tito. Tungkol po saan yong meeting tito ? ng mapaghandaan ko."

"Actually, bago ka makipagmeeting sa investor at may aattendan ka munang seminar, tatlong araw kang mawawala, dont worry kasama mo naman si Celine, siya ang may alam ng lahat, siya ang mag eexplain sayo."

"Okey po tito."

"Salamat Daniel, makakatulong din sayo yong seminar na yun. Para yun sa mga Engineer at Architecture. Yong mga sikat na Engineer at Architecture sa ibang bansa ang host ng event na yun."

"Salamat din po tito."

***

Mag aalas sais ng tumawag sakin si Arisse para ipaalala ang dinner.

THE BAD AND THE BEAUTIFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon