Kath POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Alas nuebe na pala ng umaga!
Bumangon ako at dumerecho sa CR.
Its sunday, at wala pa naman akong gagawin.
Nextweek pa ang pasukan. At aaminin kong nalinlang ako ni Hugo. Akala ko bukas na ang pasukan hindi pa pala.
What's in your mind hugo?!
Wow, facebook status lang?! HAHAHA
Tinali ko ang buhok ko into messy bun, bigsize shirt at pantyshort na black lang ang tanging suot ko, at bumaba na ako. Nagugutom na ako!
Pagbaba ko, isang hindi inaasahan ang nakita ko. "Woahh aga mo ahh,binibisita mo ba ako?." Pabiro kong sabi sa kanya. Tumawa pa ako ng mahina.
Napaayos siya ng upo at bumilis ang galaw ng adams apple niya.
"K-Kapal.." Nauutal na sabi niya.
Pinagmasdan niya ang kasuotan ko. Mula ulo hanggang paa, maganda hahaha!
Nag inat inat ako, dahilan para umangat ang damit ko.
Nakita ko ang paglunok niya. Nakanganga pa siya ng kaonti.
Nginisian ko siya, kaya napaiwas siya ng tingin.
I yawned. "Kaka-antok no? Nasan sila?"
He fake cough. "Kakareply lang ni Pat. Pauwi palang daw sila."
"Ahhhh.."
Naglakad ako papuntang kitchen, at kumuha ng freshmilk. Wala manlang makain dito.
Lumabas din ako sa kitchen at nagpunta sa sala kung saan nandon si Daniel.
"Gusto mo?"
"No thanks."
"Taray! Sungit mo ahh."
Hindi na siya nagsalita. Pinatong ko yong dalawa kong paa sa lamesa at in-on ang TV.
"Anong gagawin niyo? May lakad kayo?" Tanong ko sa kanya.
Napahinga siya ng malalim. "Meron. Actually may sasabihin kami sayo."
Pinatay ko ang tv at liningon ko siya. Wala naman magandang panuorin.
"Kayo? May sasabihin? Anu naman yun?"
"Yong Resthouse mo sa isla. Gusto nilang doon magbakasyon."
Napakunot ang noo ko. Hindi ko maalala na binanggit ko ang resthouse ko sa Soong Island.
Paano nila nalaman?
"Baka lang nakalimutan mo na pinapunta mo doon sila Arisse para bayaran ang mga nagtrabaho dun."
"Ahhh hehe. Makakalimutin na talaga ata ako. Bakit naman doon? Wala ba kayong ibang lugar na gustong puntahan? At isa pa, tatlo lang ang kwarto dun. Hindi kayo magkakasya."
"Hindi ka sasama?" Yun pa talaga ang tinanong niya ha.
I smiled widely. "Bakit gusto mo bang sumama ako?pwede naman kung sasabihin mong gusto mo akong sumama." Lumapit ako sa kanya. Napaurong siya. Nginisian ko siya. "Bakit ba takot na takot ka saakin? Di naman kita kakagatin. HAHAHA" napalunok siya dahil sa sobrang lapit nang mukha namin sa isat isa. Tiningnan ko siya sa labi. "So, anu na? Gusto mo ba akong sumama?" Malambing na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre