Daniel POV
"Daniel, nasukat mo naba yong tux na pinadeliver ko para sayo?"
"Yes dad, para saan ho yun?"
"Party ofcourse. Umuwi ka ng maaga bukas dahil 6pm ang start ng party."
Another boring party na naman.
Ayoko talagang sumasama sa mga ina-attendan nilang party kasi ang boring at puro business or career ang pinag-uusapan.
At awkward ako dun.
Sa totoo lang kasi ayokong mag Engineer. Gusto kong maging pilot pero dahil ayaw ni daddy sa gusto ko dahil ako lang daw ang maiiba ay wala akong choice kundi ang sundin ang gusto niya.
Nagpaalam na ako sa kanila para pumasok sa school.
Pagdating ko, maraming studyante ang nakakalat sa campus.
Hindi naman sa nagtataka ako. Well yeah nagtataka ako, usually kasi kapag pumapasok ako ay mangilan ngilan nalang ang tao dito.
"Gosh kinakabahan ako. Paano kong ako ang matawag ni chairman. Geez wala akong talent."
"Oo nga, last year daw ay nagmukhang tanga sa stage ang tinawag ni chairman."
"Ba yan kinakabahan talaga ako."
Anu ba yong pinag-uusapan nila?
"Bro, buti maaga ka." Tawag saakin ni Marco kasama niya sina Pat at Arisse? Inikot ko pa ang mata ko para hanapin si babaeng tomboy. Dismayado ako nang hindi ko siya nakita.
Anu ba Daniel? Bakit kaba nagkakaganyan?
"Bakit? Anong meron?"
"Darating kasi ngayon si Chairman Del Valle, balita ko ay may pagka loko daw yun si chairman. Bigla bigla daw siyang may tinatawag na studyante sa stage para magperform, kaya nga bulong bulongan ngayon ng mga studyante. Kinakabahan sila."
Bigla naman akong kinabahan. Paano kong ako ang tawagin? Naku wala akong talent -___-
"Sino ba yun?"
"Siya ang may ari ng buong San Andres, BMU, BMCo , SAU, Centro Mall, SA Hospital, basta madami pa. Balita ko ay hindi lang dito sa San Andres mga ari arian niya, maging sa ibang bansa."
Napalunok ako. Ang yaman naman niya. Siya lahat ang may ari nun?
"Students, please proceed to the hall gym now!" Announce nong speaker.
"Ayan na, naku nandito na ata si chairman.'
" pagpray niyo ko guys na hindi ako tawagin."
"Ako rin.."
"Geez, kinakabahan ako."
Mas lalo lang ata akong kinakabahan sa mga naririnig ko.
'Masyado kayong kinakabahan. Sa dami ng students dito? Hindi kayo mapipili niyan." Kampanteng sabi ni A.
Nasan na ba si bsbseng tomboy?
Hindi ba siya papasok?
*BBBBRRRROOOOOOMMMMMM*
SPEAKING OF THE DEVIL.
ANG INGAY NG MOTOR NIYA -___-
AGAW EKSENA TALAGA!
PAGBABA NIYA NAGSINDI AGAD SIYA NG YOSI.
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre