Daniel POV
"Problema?"
Umiling lang ako. Tumabi silang dalawa sa tabi ko. "Nong huli kang nagkaganyan nong umalis si Kath, ngayon hulaan ko. Nagkakaganyan ka dahil sa pagbabalik ni Kath? You're torn between two lovers. Tsk mahirap ang case mo brad." Naiiling na sabi ni Marco.
"Madali lang naman yan Brad e, alam mo naman talaga kong sino ang tinitibok niyan. "Turo ni pat sa dibdib ko." Kahit nga kami alam namin e. Una palang alam na namin na walang makakahigit kay Kath diyan sa puso mo."
Uminom muna ako bago magsalita. Wala nang saysay ang pagtatago ko ng nararamdaman sa kanila. "Oo na mga brad, i still love her."
"Oh? Anu pang dinadrama mo diyan? Ayan na nga brad oh, bumalik na siya, hihintayin mo paba na umalis ulit?"
"Sana nga ganun nalang kadali, yong sasabihin ko sa kanya na mahal ko parin siya at sasabihin niya ding mahal niya ako. Pero hindi e. Hindi niya ako minahal, kahit gaano ko pa kagusto na ipaglaban siya kung hindi naman niya ako mahal anu pang saysay?" Uminom ako ulit. "Nakakatawa nga e, yong handa akong makasakit at masaktan basta lang marinig ko mula sa kanya na mahal niya din ako.." Napabuntong hininga ako. "Kaso, bumalabs, hindi niya ako mahal at hindi niya ako minahal." Sabay inom ulit.
"Sinabi niya ba sayo brad na hindi ka niya mahal?" Umiling ako. "Oh, hindi naman pala sinabi. Tsaka jusko naman brad sa dami na ng ginawa niya sayo noon ngayon mo paba iisipin na hindi ka niya minahal? Brad naman, wag ka ngang tanga. Porket hindi ka niya sinagot sa tanong mo aakalain mo ng hindi ka niya minahal."
"Baka naman, hindi ka niya sinasagot sa ngayon dahil gusto niya kapag nagtanong ka sa kanya wala kanang sabit."
Kinunotan ko ng noo si marco."What do you mean?"
"Woahh kanta yun ah. Haha joke brad, masyado na tayong seryoso. Anyway baka nakakalimutan mo brad, may girlfriend ka na sa tingin ko sa mga oras na to naghysterical na kakahanap sayo. Mahal ka niya Brad, at kahit kailan hindi ka niya kinalimutan." Napabunong hininga si marco."Ilang beses ka namin pinagbantaan nun na lumayo kay Sue kasi alam namin na darating ang araw na to. Na babalikan ka niya gaya ng sinabi niya sayo, dimo nga lang narinig dahil tulog ka."
"Bat dimo sinasabi saakin noon?"
"Ulol brad, sinabi ko sayo noon. Palibhasa puro ka drama. Puro hindi niya ako mahal, iniwan niya ako, sinaktan niya ang blue heart ko. Huhuhu etc."
Sabay sabay kaming natawa sa sinabi ni Marco. Sira ulo talaga.
"Brad, kailangan mo munang tapusin ang ugnayan niyo ni Sue bago ka magdrama diyan dahil sa mga katanungan mong hindi sinasagot ni kathryn. Isipin mo rin na pareho a kayong nasaktan, wag mo ng gawin sa iba ang naranasan mo noon. Magpakatotoo ka, wag mo nang patagalin, baka kung kelan ka naging handa saka naman siya nawala. Tandaan mo brad meron ka nalang isang buwan para tapusin ang dapat tapusin. Pero kung mahal mo na talaga si Sue, at hindi mo siya kayang mawala sayo, layuan mo na si kathryn, dahil kahit hindi niya ipakita na nasasakan siya, babae parin yan, nasasaktan."
Pagkatapos ng seryosong usapan ay puro kalokohan nalang ang napagkwentuhan namin, hindi talaga kami nakakatagal sa seryosong usapan, masyadong corny!
Buti pa tong dalawang to, ang steady na ng buhay. May mga asawa na at anak, at kitang kita mo sa kanila na kontento at masaya na sila sa buhay nila.
Ako? Palagi akong may hinahanap na kulang sa buhay ko.
Yong taong pupuno sa buhay ko.
Nahanap ko na nga, ang komplikado naman ng sitwasyon ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/80507917-288-k982063.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BAD AND THE BEAUTIFUL
FanfictionKathryn Bernardo Daniel Padilla James Reid Nadine Lutre