Abcd POV
I woke up early cause this is my first day of my new job even though I dont know exactly what it is.
I finished my daily routine. Im wearing white v-neck, fitted black jeans and my favorite pair of rubber shoes its Ayesha's gift in my last birthday.
Bumaba na ko para mag almusal pero di pa ako nakakaupo ng.....
"Tok tok tok" (ganda ng sound ko.. hehe)
Napalingon ako sa orasan its just 6:30 am sino naman kaya ang pupunta dito ng napaka aga.. Oo maaga na sakin yun kasi minsan 12 na ko nagigising..
Binuksan ko na yung pinto.
"Sino po sila??" May isang lalaking naka black suit siguro nasa 40's na sya medyo kulubot na balat nya eh.
"Are you Ms. Mikhail Abcd Jilian Fuentes?" Tanong nya sa akin.
"Opo ako nga po. Ano po ang kailangan nyo ?"
Magalang kong tanong sa kanya."Come with me. Master is waiting for you." Seryoso nyang sagot.
"Ho??"
Medyo nagpapanic na ko. Hindi ko sya kilala kaya't bakit sasama ako sa kanya. Pano kung kidnappin nila ko tapos kunin yung lamang loob ko at ibenta??? Pano na ang mga pangarap ko?? Sino na ang mag aalaga kayna ina'y at ita'y sa labing dalawang kapatid ko ?? Huh? Teka wala na nga pala ako ng pamilya... Gaga mo talaga Abcd
"Aren't you informed by the Wesson?" Nagtatakang tanong ng matanda sa akin..
"Ah.... eh... hindi po, ang alam ko lang po ngayon po ang simula ng trabaho ko."
Eh wala nga akong kaalam alam kung ano bang trabaho yun ang sabi lang ni ayesha na magtatrabaho ako as a maid ng isang multibillionaire family worldwide.
"Pack your things Ms. Fuentes. Ill wait you at the car and make it fast." tumalikod na sya at naglakad palayo..
Pumasok na ako sa loob para ayusin ang mga gamit ko. Hmmm hindi naman nasabi ni ayesha na stay in pala ang papasukan kong trabaho..
Dali dali na akong lumabas na dala dala ang isang pink na maleta. Eh wala naman akong masyadong damit eh. Tsaka baka iwanan pa ko ni Sir M. pag nag i arte pa ko sa loob. Bakit Sir M? Eh kasi M stands for Manong kaya Sir M. Mukha kasi syang kagalang galang.
"Lets go"...
Sobrang layo ng binyahe namen.. Eh parang road to forever na ang pupuntahan namin. Kasi wala namang forever.
Hindi na ako nakatiis sa sobrang katahimikan. Wala man lang nagsasalit kahit paliwanag man lang kung ano ba ang trabaho ang papasukin ko.. Si ayesha kasi eh di man lang ako binigyan ng background..
"Ahm malayo pa po ba tayo ?" Lakas loob kong tinanong kay Sir M. eh sa napapansin na laway ko.
"Were here" bigla naman akong napatingin sa napaka laking gate na nasa harap namin ngayon. Grabe sobrang laki nung gate. Sheet nag mumukha talaga akong mahirap.
May red na ilaw na tumapat sa kotseng sinasakyan namin tapos biglang bumukas yung huge gate. Napa wow na lang ako sa nakita ko. Pussa naman grabe ang security nila dito automatic. Sabagay walang imposible sa mapepera na katulad nila..
Pagkapasok ng sasakyan nag hintay pa ko ng 30 minutes bago makarating sa isang....
PALASYOOO????"Close your mouth Ms. Fuentes this is not a palace" Suway sa akin ni Sir M.
Hindi ko namalayan na naka nga nga na pala ako. Eh sa sobrang WOW lang talaga kasi di raw to palasyo. Ano pa kaya ang hitsura ng palasyo kung hindi ito belong dun.
"Follow me" agad naman akong sumunod kay Sir M. at ang hindi ko inaasahan...
Pagkapasok ko muntik ng malaglag yung panga ko sa nakitkita ko. Kung ano yung kinaganda sa labas ng bahay triple ang ganda dito sa loob. Ang lalaki ng chandelier talos puro ginto ang mga kasangkapan nila. Pwede na nga akong manalamin sa inaapakan ko eh.
Atsaka napaka daming katulong dito halos di ko na mabilang. Hindi na ako magtataka kung maghihire pa sila ng maid sa sobrang laki ba naman ng bahay nila.
"Master, Ms. Fuentes is already here" kumatok si Sir M. tapos biglang bumukas yung pinto.
"Let her come " sagot ng tao sa loob. Nakakatakot naman ang boses nya.
"Yes master" nag sign si manong na pumasok na raw ako kaya eto ako ngayon nakatayo sa likod ng pinto...
"Ahhmmm... G--ood mo-rning po Sir" utal-utal kong bati sa kanya mukha kasing sya ang pinaka mataas dito kasi tinawag syang master ni manong eh.
Inikot niya yung swivel chair nya paharap sa akin. Isang lalaking may kaedaran na siguro ka edad nya si manong, 40's na rin siguro. Pero wapak ang gwapo pa rin nya. Bagay na bagay sa kanya yung fierce look nya.
"Sit" ano ako aso. Pero umupo na rin ako aba baka hindi pa ako matanggap dito.
"Your Mikhail Abcd Jilian Fuentes right?" Seryosong tanong sa aking ni Sir pogi.
"Opo sir" magalang na sagot ko buti naman at di na ako nag sstumer
"Im Alejandro Stoner" pakilala nya sa akin.
"Here" may iniabot sya sa akin na isang brown envelop. Nagtataka ko syang tiningnan.
"Ano po ito?" Tanong ko
"Its an envelop" ayy paktay ka jan malang Abcd envelop yan alangan naman maging aso yan no...
"Ano po ang gagawin ko dito?" Magalang ko pa ring sagot.
"Read it. All of the informations are there. So now live" Mag sasalita pa sana ako ng pumasok si manong sa loob at inaya na ako palabas ng kwarto.
"Sir M. pwede po bang magtanong?" tanong ko sa kanya..
"Ano iyon?"
"Ay sa wakas nag taglog rin po kayo kung hindi pag kakamalan ko kayong amerikano" joke talaga yun.. Hehe
"Whats your question?" Tentenene bumalik na naman po sya..
"Ano po ba talaga ang gagawin ko? Eh wala man lang ho na nagsasabi sa akin kung ano ba talaga yung trabaho ko baka mamaya ho nyan eh pag bentahin nyo ko ng drugs"....
"Ihahatid na kita sa kwarto mo. Ang lahat ng sagot sa iyong katanungan ay nasa loob ng envelop na yan kaya basahin mo na lang pag naihatid na kita." Paliwanag nya sa akin
Ng makarating na kami sa harap ng kwarto ko eh akmang aalis na si Sir M. ng tawagin ko ulit
"Sir M. last question po" pahabol ko sa kanya
"What ?" Inis na sagot ni Sir M. sa akin.
"Ano po ang pangalan nyo? " Hindi ko pa kasi sya kilala eh kanina ko pa sya kasma.
"Rolando Reyes "...
"Sir Rolando salamat po" at tuluyan na syang umalis..
Pumasok na ako sa kwarto na tutuluyan ko. Aba nga naman mas malaki pa ito sa apartment na tinutuluyan ko. Tsamba ako neto libre na ang tulog at pagkain.
Kinuha ko ang envelop na binigay sa akin ni Mr. Stoner at sinimulang basahin iyon pero hindi pa ako nakakalahati ay dinalaw na ako ng antok. Humiga ako kasi nakaramdam ako ng sobrang pagod sa haba ng binyahe namin kanina sa pag pikit ko ay biglang bumukas ang pinto hindi ko na namalayan kung sino ang nagbukas nito dahil nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Teen FictionMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...