Part 51 (Danger again?)

3.1K 67 1
                                    




Abcd POV




"What are you doing here?" Inis nyang tanong ng pumasok ako sa kwarto nya.





Im here at the mansion. Gusto ko sanang kausapin si Mr. Stoner tungkol sa pagreresign ko. Hindi na din naman ako kailangan ni Xander ngayon kaya siguro tama lang to.






Pinag isipan kong mabuti ang desisyon kong to. Mas mabuti na rin siguro para saken. Hahanap na lang ulit ako ng ibang trabaho siguro naman may mapapasukan ako.






Ang sabi ni Sir Ronaldo wala si Mr. Stoner kase may importante daw itong meeting. Kaya naisipan kong kausapin si Xander. Ang sabi ni Sir Ronaldo nasa kwarto nya raw si Xander at hindi pa ito lumalabas kaya umakyat na ako para makausap sya.






Naabutan kong nakasandal sya sa kama nya at may hawak na sigarilyo.





"Gusto lang kitang makausap" sagot ko dito.







"Get lost! Im not in the mood to talk" at muling humithit ng sigarilyo.








"Bakit mo yun ginawa kay Nico?" Binalewala ko lang ang sinabi nya at nagtanong.








Napaupo sya ng itanong ko yun at tumingin ng masama sakin. Napaatras naman ako ng makita ko sya bigla akong kinabahan.









"Dont you ever mention that name" galit na sabi nito.







"Ano bang kasalanan nya sayo para gawin mo sa kanya yun" sambit ko sa kanya.








"Kaibigan ko sya kaya pwede ba... " hindi na nya ako inatapos pa.







"Kaibigan? Wag mo nga akong lokohin hindi lang kaibigan ang turing mo sa kanya." Sambit nito.








"Ano bang pinagsasasabi mo Xamder? " Nalilitong sabi ko.







Tumayo sya at palapit ng palapit sa akin.








"Kaya siguro wala kang pakealam samin ni Bianca dahil okay lang sayo yung nagyayari samin kase meron ka ng Nico. Pinagpalit mo ko sa kanya" paliwanag niya.





Paatras ako ng paatras pero napatigil dahil pader na ang nasa likod ko. Inilagay nya ang mga kamay nya sa may taas ng balikat ko. Corner pasition ba.








"Walang pakialam? halos hindi ako makatulog ng malaman ko kung anong meron kayo ni Bianca. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung bakit mo ginawa yun. Okay naman tayo di ba? Nung una sobrang inis na inis ako sayo kung may way lang na hindi kita makita sa maghapon gagawin ko pero time pass hindi na ganon iniisip ko na sana parati kitang nakikita kasi namimiss kita parati. Akala ko ganon din nararamdaman mo sakin pero bigla ko na lang malalaman na your engage. Ngayon pinipilit ko naman na kalimutan ka kase yun yung tama kaya kahit mahirap ginagawa ko. Kaya wag mo sasabihin na wala akong pakialam dahil hindi totoo yun. Mahal na mahal kita pero hindi ko na kayang ituloy pa tong nararamdaman ko" mahabang paliwanag ko. At unti unti ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Bigla naman gumaan ng konti ang pakiramdam ko sa lahat ng sinabi ko kahit papano nasabi ko na sa kanya yung gusto kong sabihin.








Nakatangin lang sya sakin. Hindi kagaya kanina na makikita mong galit ito ngayon yung expresion ng mga mata nya parang guilty at awa?








Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon