Abcd POV
Pagkatapos kong maglakad sa dalampasigan naisipan kong bumalik na sa resort. Medyo napagod na kasi ako sa paglalakad.
"Mam Abcd" tawag sa akin ni marry pagpasok ko sa loob ng restau.
"Oh bakit Marry?" Tanong ko sa kanya.
"Eh Mam nakita ko po si Sir Alex na papalabas" sabi nya sakin.
"Ano namang problema dun Marry eh lalabas lang naman sya" tanong ko sa knya. Hindi ko naman kontrolado isip nun kaya wala akong pake kung san sya magpunta.
"Eh Mam mukha ho kasing galit eh, mukhang nasapian." paliwanag nya sa akin at yung huli nyang sinabi ay halos pabulong na lang.
Ano na naman ba ang problema nya. Ang hirap talaga kapag tinotopak yung amo kong yun.
"San sya nagpunta Marry?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi kung anong gawin nun at mapaaway na naman kahit na his the most dangerous gangster dapat nag iingat parin sya.
"Sa bar po Mam. Medyo malapit lang ho yun dito" sagot nya.
"Pwede bang ituro mo sa akin kung saan yung bar na yon?" Hindi ko man gustong makita yung mokong na yun eh kailangan baka kung ano pang mangyari dun trabaho ko ho kasi di ba? Mananagot ako kung may mangyayaring masama sa kanya.
"Ipapahatid ko na lang po kayo Mam" buti na lang at mabait si Marry kahit papaano may matino akong nakakausap dito.
"Sige salamat Marry" pagpapasalamat ko sa kanya.
***
Nandito na ako ngayon sa labas ng Bar. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba o hindi. Syempre pumasok na ako kaya ka nga nagpunta ka dito Abcd diba.
Sobrang crowded na dito sa loob marami na ang tao kahit alas syete pa lang. Sinimulan ko ng hanapin si Xander pero hindi ko sya makita. Pumunta pa ako sa dance floor baka sakali kasi maisipan nun na sumayaw. Malay mo nga kung nandun sya di ba pero wala akong nakitang Xander dun.
"Xander nasan ka na ba" tanong ko sa sarili ko. Umupo muna ako sa tool bar para umorder ng buko shake. My favorite.
"Whats your order Mam" tanong sakin ng isang bartender.
"Do you have buko shake here?"nag aalangang tanong ko.
"Yes Mam we have" nkangiti nyang sabi.
"Okay. One buko shake please" hindi naman kasi ako pwedeng umorder ng alak dito baka mamaya hindi pa ako makauwi.
"Hi Miss Im Basty" pakilala sakin ng isang matangkad na lalaki Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya.
Gwapo naman sya, tsaka ang cute ng dimple nya pero hindi ko na lang sya pinansin. Natuto na ako baka mamaya kung ano pang gawin nito sakin atleast sigurado di ba.
"I like you" sambit nya na parang bumati lang ng good morning.
Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay. Papansin din tong lalaking to. Sa dami ng babae dito ako papagtitripan. Kanina Hi miss lang tapos ngayon I like you na agad.
"So?" Mataray kong sambit sa kanya.
"I honestly like you your tough not like the other girls here" paliwanag nya sa sinabi nya.
"I dont care" mataray pa rin na sagot ko sa kanya.
"Mam here's your buko shake" singit ng bartender sabay abot ng inoder kong buko shake.
"Thank you" at iniabot ko na agad sa kanya ang bayad.
"Haha" narinig ko namang tumawa yung katabi ko. Hindi pa talaga umaalis.
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Teen FictionMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...