Part 9 (Save me)

8.8K 265 2
                                    


****

Ilang araw na ang nakalipas simula ng masaksihan ko ang laban ng Demonic Gang at ang pag wawalk out ni Xander. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya dahil ilang araw na nya din akong hindi pinapansin. Lagi akong nakasunod sa kanya pero prang wala syang nakikita.

Ngayon nandito kami sa isang bar na pag mamay ari ng kambal. Ewan ko nga dito kay Xander kung bakit sinama pa ako eh hindi naman ako pinapansin mas gusto ko pa nga na lagi syang galit sa akin.

Pagkapasok nya sa loob dirediretso lang syang lumalakad dumaan sya gitna ng dance floor at natigilan sila sa pag sasayaw para syang isang bagyo na dumaan. Ako naman nakasunod lang sa likod nya at nakatungo.

"Oh nandito na pala si boss eh" sabi ni Joshua.

"Whats the occasion?" Walang emosyong sagot ni Xander.

"Its Calvin's birthday nakalimutan mo na ba boss" sagot naman ni Kelvin.

"Ouch naman boss" Sagot naman ni Calvin na nag act pa na parang nasasaktan sya. Para syang bakla.

"Birthday mo?" Ulit kong tanong kay Calvin.

"Yes babe," malandi nyang sagot sakin.

"Happy birthday sorry wala akong regalo hindi ko naman alam" masayang bati ko sa kanya.

"Its okay Abcd, isang sayaw lang okay na sakin yun" seryoso ba sya ?

"if its okay with you?" Tanong naman nya sa akin..

"Ahmm.. Sure ngayon lang naman to" tumingin muna ako kay Xander at wala namang nagbago sa ekspresyon ng mukha nya. Hindi ko alam kung bakit nainis ako bigla. Argghh!! Ano ba tong naiisip ko. Feeling mo naman ABCD! Tumigil ka nga.

"Boss hihiramin ko muna P.M mo ha" paalam nya kay Xander.

Hindi sumagot si Xander kaya nagpatuloy na kaming pumunta sa dance floor. Nung una rock pa yung tugtog kaya naman ang wawild ng mga sumasayaw lalo na yung isang grupo ng mga babae sa gitna na akala mo eh Gro sa mga suot nila halos katiting na tela na lang ang suot nila. They are dancing sexy dance.

"What the F! Mga mukha silang GRO" pasigaw kong sambit kay Calvin malakas kasi ang music sa loob ng bar.

"What?" Pasigaw na tanong nya rin sa akin.

"I said, those girls are like GRO. look" tinuro ko naman sa kanya ang grupo ng mga babae.

"Oh! Our regular customers. That is Bea Astron" Bea Astron? Narinig ko na yun.
Sya nga yung babaeng nagbully sakin non. Hindi ko sya agad napansin dahil siguro sa ayos nya ngayon. She's wearing a black tube and pokki short.

"She's the daughter of Mr. Rico Astron the owner of Astron University" paliwanag nya sa akin.. Oo nasabi na nga nya yun sa akin..

"And she's the Queen in that school" dugtong ko naman sa sinabi nya.

"Yeah. The queen bee" dugtong nya pa sa sinabi ko..

Maya-maya tinaas ni Calvin ang kamay nya at may ginesture. Bigla namang nagbago ang tugtog, Rock music turns to Sweet music.

"May I dance with you?"

"Kanina pa tayo sumasayaw" napatawa na lang ako.

Humawak sya sa bewang ko at ako naman ay sa balikat nya. Medyo pinaglapit nya yung katawan namin. Nilapit nya ang mukha nya sa may tenga ko. Kung makikita kami ng mga tao sa kanan namin eh pagkakamalan kaming naghahalikan ni Calvin.

"I think someone will be mad at me at sa tingin ko kung nakamamatay ang pagtitig eh kanina pa akog naglupasay dito" ani nya sa akin, hindi ko maintindihan yung sinasabi nya pero nung napasulyap ako sa gawi ni Xander ay alam ko na ang tinutukoy nya.

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon