Abcd POV
Gumising ako na sobrang mugto ang mata. Buong gabi ay pag iyak lang ang aking ginawa. Hindi ko mapigilan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko kahit anong pigil ko walang nangyayari.
Tumayo na ako para maligo at mag ayos ng sarili ko hindi pwedeng humarap ako kay Xander ng ganito baka sabihin nya na naaapektuhan ako sa mga sinabi nya sakin kagabe kahit ang totoo ay sobra akong naapektuhan.
Im wearing a peach dress at tinernuhan ko yun ng isang big cute hat at nagsuot rin ako ng shades para takpan ang namumugto kong mata. Lumabas muna ako para mag libot libot sa resort para mawala naman saglit ang sakit na nararamdaman ko.
Una kong pinuntahan ang pool malapit sa dagat. Umupo ako sa tabi ng pool at isinawsaw ang mga paa ko sa malamig na tubig. Napaka aliwalas ng lugar na ito hindi na ako magtataka kung bakit dito naisipang pumunta ni Xander.
Medyo tirik na ang araw kaya naman minabuti kong mamaya na lang ako maglalakad sa tabing dagat lilibutin ko na lang muna ang buong resort. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom ewan ko nga ba wala kasi akong ganang kumaen ngayon.
Sa aking paglalakad may nadaanan akong munting garden na nakapukaw sa aking paningin. Sandra's Little Garden. Maliit lang ito pero punong puno ng magagandang bulaklak, napakaganda nito kaya naisipan kong pumasok.
Naaliw ako sa ganda ng munting hardin na ito kaya dito na ako nagpalipas ng oras nakaupo ako sa maliit na duyan na nakasabit sa isang puno. May nakita akong nakaukit na letra sa puno.
"K & M?" bulalas ko. May naramdaman naman akong pumasok kaya dali dali ko itong tiningnan. Si Xander lang pala yung pumasok.
"What are you doing here? Dont you know that this place is prohibited?" Ani nya sa akin. Mukha naman syang hindi galit o naiinis sa pagkakasabi nya.
"Hindi ko alam, nagandahan kasi ako sa lugar kaya pumasok ako. Sige lalabas na ako" akma na akong aalis ng magsalita sya.
"You can stay." Sambit nya sa akin. May anghel? bakit parang ang bait nya ngayon.
"Hindi aalis na lang ako. Kung may kailangan ka tawagan mo na lang ako" sabi ko sa kanya. Ayoko syang makasama o makita baka kung ano na naman ng mangyari. Hindi pa ng nakakarecover yung mata ko eh.
"How can I call you I dont have your number" ani nya nman sa akin. Oo nga pala lagi naman kasi kaming magkasama non kaya hindi na kailangan ng cp.
"Magtetext na lang ako sayo. Sige mauna na ako" pagpapaalam ko sa kanya ayokong tumagal pa don saka ayos na rin yun na hindi ko sya laging nakikita.
"Do you know my number?" Tanong nya sa akin.
Oo nga pala abcd pano mo sya itetext kung wala kang number nya. Talino mo rin eh no.
"Here" tiningnan ko sya at iniabot nya sa akin yung iphone 6s nyang cellphone. Nahiya nman ako bigla sa cellphone ko.
"Save your number I'll text you if I need you" Sambit nya. Poker face sya ngayon. Sabgay wala naman akong mabasang emosyon sa mukha nya.
Pagkatapos nun ay umalis na ako bumalik ako sa kwarto ko. Dun na lang ako hanggang bumaba ang araw bigla rin naman kasi akong tinamad na mag ikot.
"Hayy Abcd hanggang kelan mo ba sya iiwasan? Hindi pwedeng hindi kayo magkikita P.M ka nya baka nakakalimutan mo" hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ayoko syang makasama pero kailangan dahil P.M nya ako at trabaho ko yun. Limang buwan pa ang titiisin ko bago bumalik sa dati ang buhay ko.
Tok tok tok ....
Pumunta ako sa pintuan para malaman kung sino ang kumakatok.
"Hello po Mam" bati sa akin ni Marry.. akala ko kung sino na.
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Teen FictionMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...