Guys sorry talaga dun sa typo-graphical error na paulit ulit. Nagkaproblema kasi sa pag uupdate pero sana icontinue nyo pag babasa. Sulit naman eh Heheh... May nagrequest na damihan ko daw ng action para exciting. Oo may nagrequest talaga may nagbabasa pa rin naman kase kahit konti. Hehe Try ko ha.
#Raphee-KatAbcd POV
Nagising ako sa isang mabango at napakalambot na kama. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Black ang mothiff ng kwarto kaya naisip ko na lalaki ang nagmamay ari nito.
"Hindi naman nya masyadong pabrito ang black kaya buong kwarto nya kulay black" sarkastikong sabi ng aking isip ko pagkatapos tingnan ang buong kwarto.
Pero kung titingnan ito sa ayos at linis ng kwarto ay parang isang perfectionist ang nag mamay ari nito na ayaw makakita ng mali sa kwarto. Wala akong makita ni isang dumi sa loob ng kwartong ito pati ata alikabok ay natatakot dumapo rito.
"Paano ako napunta dito??" Tanong ko sa sarili ko.
Ang natatandaan ko lang na nangyari kagabi ay may mga lalaking pilit akong sinasama sa kanila pagkatapos ay bigla akong nahilo at bago ako mawalan ng malay ay nakita ko na papalapit sa kinaroroonan ko si Xander.
"Hindi kaya??... Nasa kwarto ako ng isa sa mga lalaking yun tapos tapos... kung ano ano ang pinagagawa nila sa akin pano kung binaboy nila ako eh di wala na ang V card ko? Shit! Mapapatay ko talaga sila pag nangyari sakin yun" Nagpapanic na ako..
Naalala ko na ang sabi ng iba kapag 1st daw eh sasakit ang maselang parte ng katawan mo pati na rin yung ibang parte.
Pinakiramdaman ko naman ang aking katawan at wala namang masakit don pati na ang maselang parte ng katawan ko. Kaya naman nabawasan ang pagkakaba ko ng konti.
"Hindi kaya si Xander ang nagligtas sa akin? I saw him running towards me last night" Ano bang naiisip ko bakit naman nya ako ililigtas??
Minabuti ko ng lumabas para malaman ko kung anong sagot sa mga tanong ko.
Paglabas ko ng kwarto ay wala akong makitang tao pumunta ako sa kusina pero wala, sa may balkonahe pero wala rin.Naisipan ko ng lumabas dahil wala namang tao kaya dali dali akong nagpunta sa pinto ng bubuksan ko na iyon ay bigla itong bumukas at tumama iyon sa ulo ko kaya napaupo ako.
"Aray ko nabasag ata bungo ko dun" pagrereklamo ko. Ang sakit naman kasi talaga medyo malakas pa naman yung pagkaka bukas.
"Stupid. Sino ba nagsabi na jan ka tumambay sa likod ng pinto. Sisirain mo pa ang pinto ko" malamig at may inis na sabi ng taong nasa harap ko ngayon. Since nakaupo pa ako eh paa lang ang kita ko sa kanya pero yung boses nya kilalang kilala ko kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha. So I guess Im right he's the one who save me.
"Xander" pagkasabi ko nun tsaka lang ako tumingala para makita sya.
"Are you going to seat on the floor all day?" Ani nya sakin.
Tumayo naman ako kaagad at pinagpagan ang suot kong damit.
Nagpatuloy syang lumakad hanggang makarating sa dinning area.Sumunod naman ako sa kanya para magtanong kung anong nangyari kagabi.
"Ahmm.." nahihiya kasi akong itanong. Itatanong ko pa ba?
"Spill it" wika nya sa akin.
"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako napunta dito sa condo mo? Anong nangyari sakin kagabi? Tapos yung mga lalaki anong nangyari sa kanila? Atsaka bakit nandun ka kagabi di ba umalis ka na iniwan mo pa nga ako? Ano sumagot ka naman jan knina pa ako nagsasalita dito !" Hindi ko mapigilian ang pagtatanong sa kanya.

BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Fiksi RemajaMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...