Part 31

6.5K 191 14
                                    

Abcd POV

Isang linggo na ang nakalipas ng pumunta ako sa mansyon ng mga Stoner at sa mga sinabi ni Mr. Stoner na nakapag gising sa pag iilusyon ko.

Nandito ako ngayon sa dating appartment ko umalis na ako sa condo ni Xander dahil hindi ako nababagay doon. Sinabi ko na rin ka Sir Rolando na kung pwedeng ipaalam na lang sa akin kapag dumating na si Xander dahil ayaw ko din naman na sa mansyon tumira. Hindi ko feel eh.

"Jill gusto mo ba sumama?" tanong ni aira nasalabas kasi ako ng appartment.

"Saan?" Tanong ko

"Mag babar kami sama ka ha" pag yayakag nya sa akin.

"Bar? Nako hindi na dito na lang ako" tumanggi ako dahil may phobia na ako jan.

Nung una sa bar ng kambal birthday ni Calvin tapos nagkagulo dahil kay Xander tapos muntik pa kong makidnap nun. Sunod sa Sandra's resort nagkagulo rin dahil naman sakin kung hindi sana ako pumunta don eh di sana hindi nakipag away si Xander.

Hayy bakit ba si Xander na naman ang nasa isip ko. Ilang araw na akong mukhang tanga kakaisip sa kanya eh hindi naman nya ako naiisip.

"Masaya dun Jill hindi kamagsisisi tsaka sulitin na natin tong bakasyon natin"

"Hehe.. next time na lang may gagawin pa kasi ko aira" pagdadahilan ko sa kanya.

"Hmm sige basta pag nagbago ang isip mo katukin mo na lamg ako sa kwarto ko ha" sambit nya.

"Sige sige"

Gabi na kaya pumasok na ko sa appartment. Kaen, tulog tapos ganon ulit paulit lang ginagawa ko. Wala kasi si besh ayesha nasa States dinadalaw si Kuya Angelo kaya eto alone ako.

Napaisip ako na sumama kay Aira siguro naman wala ng mangyayaring masama sakin tsaka wala si Xander parati kasing may gulo kapag kasama ko sya sa bar.

Naboboring na rin naman kasi ako baka masiraan na ako ng bait kung magkukulong parati ako dito sa kwarto ko.

Ngayon pa na wala namang pasok. After ng ball binigyan kami ng 2 weeks vacation ewan ko nga ba sa school na yun ayaw yata kaming matuto.

Wala na naman akong mapuntahan dahil wala naman akong ibang pamilya mag isa na lang ako. Pero once in a week pumupunta ako sa puntod ni mama dun ako nagtitigil sa buong araw gusto ko kasi makasama mama ko.

"Aira?" Tawag ko sa kanya.

"Jill ano nagbago na ba isip mo?" Tanong nya sa akin.

"Oo sasama na ako okay lang ba?"

"Oo naman Jill nandyan ka kasi oaratoli sa kwarto mo minsan kailangan mo mag enjoy" sabi nya.

"Anong oras ba tayo aalis?"

"Maya maya lang Jill may iniintay lang ako peeo magbihis ka na asi parating na yun"

"Sige"

Bumalik na ako sa kwarto ko para magbihis. Kinuha ko yung dress na binili sakin ni besh ayesha sayang naan kung hindi ko susuutin.

Simpleng Black dress siya sando ang design na hanggang tuhod tapos nagdala ako ng pouch. Hindi na ako nag ayos dahil hindi naman kailangan.

Maya maya ay may bumusina sa labas.

"Jill ready kana?"

"Oo"

"Tara na nandyan na yung sundo natin"

May lumabas na lalaki sa isang kotseng itim. Matangkad, chinito at cute. Boyfriend yata ni Aira.

"Hi babe" bati nito kay Aira at humalik sa cheek nya.

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon