Abcd POV
Nagising ako na masakit ang ulo at katawan. Mukhang hindi talaga kami vibes ng alak. Matapos akong ihatid ni Nico kagabi ay kaagad na akong nagalinis at natulog. Masaya naman pala mag clubbing siguro nasa taong kasama ko yun.
*tok tok tok*
Tumingin ako sa orasan na nakakabit sa may taas ng refrigirator. Mag aalas syete pa lang at may kumakatok na sa pintuan ko. Naglakad na ako papalapit sa pintto at binuksan ito. Nagulat naman ako ng makita ko kung sino ang taong nasa labas.
Si NICO may mga dala syang plastic bags at malaki ang ngiti sakin. Mukha talaga syang bata.
"Oh Nico anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Alam ko kasing may hang over ka kaya nagdala ako ng gamot at breakfast para sayo para mawala ang hang over mo" sagot nya.
"Nag abala ka pa okay lang naman ako" sambit ko.
"Okay lang yun gusto ko naman tong ginagawa ko" sambit nya.
"Ahhh..... ayy pasok ka" pag papapasok ko sa kanya nakalimutan ko na nasa labas pa pala sya.
"Pasensya ka na ha medyo magulo hindi pa kasi ako nakakapag linis ang aga mo kasing dumating" pagdadahilan ko pero totoo naman.
"Its okay Jill tara kaen tayo" inilapag nya yung mga plastics na dala nya sa lamesa at isa isa itong inilabas.
Rice, hotdog, ham, egg, chicken, bacon, and soup ang mga dala nya na nakalagay sa kanya kanyang topper ware.
"Jill ayos ka lang ba?"
"Ha? Ano yun Nico?"
"Tinatanong ko kung ayos ka lang ba?" Ulit nya.
"Ahh oo nman ayos lang ako bakit mo naman natanong?" Pagtataka ko.
"Tulala ka kasi eh kanina pa kita niyayayang kumaen pero your just like a statue standing there" sambit nito.
"Wala wala. Ikaw ba nagluto nito?" Tanong ko
Bigla lang pumasok sa isip ko yung pangalawang taong nagluto para sakin yung una is si mama. Naalala ko na ganito rin ang mga niluto nya para sakin. Kelan kaya sya babalik?
"Oo Jill sana magustuhan mo"
"Im sure masarap to" sambit ko.
Nagsimula na kaming kumaen. Hindi na ako nahiya pa kay Nico dahil nagugutom na rin naman ako at sakto pa nawala akong stock na grocery ngayon so perfect timing sya. Hehe
Pagkatapos namin kumaen ay nagprisinta na mag hugas ng pinagkainan namin si Nico pero tumanggi ako.
"Hindi na dun ka na lang sa sala umupo ka dun" pagtataboy ko sa kanya.
"Gusto lang kitang tulungan Jill" sambit nya.
"Ako na ikaw na nga nagluto nung pagkain eh kaya ako na to umupo ka na ron. Sige na" maya maya ay sumunod din si Nico.
Habang nag huhugas ako ay rinig ko ang pagbukas ng tv ni Nico. Konti lang naman ang hinugasan ko kaya naman madali akong natapos.
"Nico dyan ka lang ha maliligo lang muna ako" sambit ko sa kanya ng dumaan ako sa sala.
"Sige Jill"
Dumiretso na ako sa banyo at naligo na. Patapos na akong maligo ng may narinig akong katok hinayaan ko lang yon dahil nandon naman si Nico pero nakaka ilang katok na at mukhang sisirain nya ang pintuan ng appartment ko.
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Fiksi RemajaMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...