Ayesha POVNandito kami ngayon sa clinic kasama si Joshua at ang kambal binabantayan namin si Abcd na ngayon ay natutulog pagkatapos gamutin ang kanyang mga sugat.
"Sino ang gumawa nito kay Abcd?" Tanong ni Joshua sakin
"Hindi ko alam wala syang sinasabi sakin ang sabi nya lang eh nadapa daw sya" paliwanag ko sa kanila.
"Naniwala ka naman?" Asar na tanong ni Calvin sa akin.
"Im not stupid Calvin" inis kong sabi sa kanya. Hindi naman kasi ako tanga na maniniwala sa dahilan ni Abcd no.
"Look at this" may plinay na video si Kelvin mula sa cellphone nya.
Nagulat ako kung ano ang video na yun at naikuyom ko ang mga kamay ko. Nakita sa video kung paano pagtulungan si Abcd ng grupo ni Bea naiinis ako sa ginawa nila sa bestfriend ko gusto ko silang sugudin ngayon at gawin ng doble sa kanila ang ginawa nila kay Abcd. Nakita rin namin ang pagdaan ni Xander at wala man lag itong ginawang action. Mas lalo akong nagalit.
"I know what you thingking Princess Isha" sambit ni Calvin..
"How many times do I need to tell you dont call me Princess Yesha her okay?" Inis kong sambit kay Calvin. Paulit ulit kasi baka mamaya marinig na naman ni Abcd yun magtaka pa.
"Okay okay sorry Ayesha" buti naman..
"Kami ng bahala sa kanila" sagot naman ni Kelvin.
"No! Hindi ko palalampasin ang ginawa nila sa bestfriend ko" may galit na sambit ko sa kanila.
"Magbabayad sila" patuloy kong sabi.
Abcd POV
Tatlong araw na ang nakakalipas nung nadala ako sa clinic, tatlong araw na rin akong hindi ginagawan ng kung ano anong dilubyo ng mga bitches at ang malupet eh tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Xander wala akong balita sa kanya.
"Calvin " tawag ko sa kanya.
Nandito ako ngayon sa classroom nina Xander tatanong ko sana sa kanila kung alam nila kung nasaan ang kaibigan nila.
"Alam mo ba kung nasan si Xander?" Tanong ko.
"Hindi ko alam Abcd pasensya na. Kahit kasi kami walang balita sa kanya nitong nagdaang araw." Paliwanag nya sakin.
"ah ganon ba. Pwede bang sabihan mo ako kapag nalaman mo kung nasaan sya?" Pakiusap ko sa kanya.
"Sige makakaasa ka. Ayy sandali nga pala abcd" tawag nya sa akin..
"Ano yun ?" tanong ko naman sa kanya.
"Bakit mo sya hinahanap?" Nagtatakang tanong nya sa akin..
Hindi ko inaasahan ang tanong na yun mula sa kanya.Ano bang isasagot ko? Mag isip ka Abcd isip isip....
"Ahm ano kasi hinahanap sya sakin ni Mr. Stoner humihingi sya ng report kung anong ginagawa ni Xander kaya ko sya hinahanap." Sagot ko naman sa kanya.. ano ba yan napunta pa ko sa hot seat.
"Oh easy ka lang Abcd hindi kita pinepressure ha wag kang tense." Pang aasar nya sa akin. Nagawa nya pa talaga akong asarin.
"Sige Calvin una na ako, Salamat" paalam ko sa kanya..
"Your always welcome Abcd" ani nya at tuluyan na akong umalis.
After ng klase ko umuwi muna ako. Tatanungin ko si Mr. Stoner baka kasi alam nya kung nasaan si Xander ngayon. Alam komg trabaho ko yun pero hindi ko naman kasalanan kung hindi nagpapakita si Xander eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/80803726-288-k919955.jpg)
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Novela JuvenilMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...