Part 52 (Bad Dream)

3.1K 60 0
                                    




Abcd POV






"I love you" sambit ni Xander habang hawak ang kamay ko.




"No no no not now. Di ba marami pa tayong pangarap na tutuparin? Bubuo pa tayo ng basketball team hindi ba Xander? So please dont leave me" iyak ako ng iyak habang nakikita sya hirap na hirap na.






Napaka dami nyang sugat. Buong katawan nya ay nababalot ng sarili nyang dugo. Nahihirapan syang huminga.







"Im sorry Im so sorry. Mahal na mahal kita Abcd. Ikaw lang" at tuluyan ng nalagot ang pag hinga nya.








"HINDIIII!" napabalikwas ako sa pagkakahiga.







Nagising ako ng umiiyak. Panaginip, panaginip lang iyon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.







Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba ng maalala ko kung anong napanaginipan ko. Si Xander na nawalan ng buhay sa piling ko.








Biglang sumakit ang ulo ko. Tumingin ako sa paligid at napagtanto na hindi ko alam kung nasaang lugar ako.









Nasa loob ako ng isang kwarto na kulay puti. Kama lamang ang meron dito na ngayon ay hinihigaan ko.







Pinilit kong tumayo pero bigla akong napaupo at napahawak sa ulo ko. May dugo akong nakita matapos kong hawakan kung saan sumasaket.






Pinilit ko ang sarili kong makatayo at lumapit sa pintuan. Binuhos ko lahat ng lakas ko para mabuksan ito. Nagsisisgaw na rin ako dahil baka sakaling may makarinig sa akin pero balewala ito. Pinakinggan ko kung may ibang tao sa kabila ng pinto pero katahimikan lamang.






"Bakit ba nangyayare na naman sakin to" sambit ko sa sarili ko dahil paulit ulit na lang.






Naisip ko na mabuti na lamang at iba na ang sitwasyon namin ngayon ni Xander siguradong hindi na sya mag aalala pa sakin. Hindi magandang pangitain ang napanaginipan ko at ayoko mangyare yun. Pinagdarasal ko na sana hindi nya malaman at kung malamanan nya sana wala syang gawin. Ayokong mapahamak sya ng dahil sakin.







"Pakiusap po sana ilayo nyo sa kapahamakan si Xander." Dasal ko.







Mas mabuti pang mabulok ako dito matatanggap ko pa pero hindi ko kakayanin na makita si Xander sa ganong sitwasyon.







Bumalik ako sa kama at doon umupo. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ako makaka alis dito.







Naalala ko naman yung cellphone na nakaipit sa may bewang ko. Ito yung cellphone na ibinigay sakin ni Xander. Inilabas ko ito at nagkaroon ng pag asa. Pag bukas ko ay nakita kong walang signal ito kaya naman wala ring silbi.





2 days after






Dalawang araw na akong nakakulong sa kwartong to. Dalawang araw na ring hindi ako kumakaen at naliligo. Ilang araw pa kaya ang ilalagi ko dito? Mukhang gusto yata nilang mabulok ako dito.







Maya maya ay lumangitngit ang ingay ng pintuan. Kaya agad akong naging alerto sa mangyayari.






May pumasok na dalawang armado pagkatapos nito ay isang babaeng naka maskara na sa kanang mata lang.








"Really nagmask ka pa talaga eh kilalang kilala na kita Bianca" sambit ko dito. Nag effort pa sya eh halata din naman.





Tinanggal nya ito na inis na inis.







"Bakit mo ba to ginagawa?" Galit na tanong ko sa kanya.






"Because I hate you. " sagot nito nagsmirk.








"Thank you and I hate you too" pang aasar ko sa kanya at ako naman ang nag smirk.






Isang malakas na sampal naman ang natampo ko sa kanya. Hindi pa sya nakuntento at sinampal nya ulit ako.






"At hindi ka talaga natatakot pwess matakot ka dahil hawak ko ang bukhay mo" pananakot nya.




"Binalaan na kita na layuan mo si Xander pero hindi ka talaga naniwala kaya bagay lang yan sayo"






"Mabubulok ka dito at walang sino man ang makakaalam non kundi ako lang. HAHAHA" maiinis ka sa malademonyita nyang tawa.







"Napaka walang hiya mo talaga" galit na sambit ko.






"Bakit lalaban ka?" Nang aaaar na tanong nito.








Sa inis ko ay hinablot ko ang buhok nya at sinabunutan ito ng todo. Malas nya lang ay hindi nakatali ang kamay at paa ko.








Inawat ako ng dalawa nyang kasamang lalaki.







"Hawakan nyo yan" utos ni Bianca.








"Matapang ka talaga tingnan natin kung hanggang saan ka uubra" galit na sabi nito.







Sinuntok nya ako sa tyan kaya naman para akong pinilipit sa sakit. Maya maya ay sinuntok naman nya ako sa mukha. Hindi kaagad sya tumigil at sinipa pa ako kaya napahiga na ako at nabitawan ng dalawang kumakapit sa akin. Bago siya umalis ay sinipa nya muli ako sa sikmura.







"Tama na" awat ko kay Bianca dahil hirap na hirap na ako.







"Ito ang itatak mo sa utak mo na hindi mo matatalo ang isang BIANCA DE GUZMAN" nakangising sabi nito.







Para akong asong nakahiga lang at nagtitiis sa sakit. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang buo kong mukha dahil sa sakit. Napasuka na rin ako ng dugo dahil sa sipa sa sikmura. Feeling ko ay katapusan ko na.








Naalala ko na kabaligtaran ng napanaginipan ko ang nangyare ako ngayon ang nakaratay at duguan ang pinagkaiba lang ay wala si Xander sa tabi ko bagay na ikinaya ko dahil ayokong makota nya na ako sa ganitong sitwasyon. Kung lilipas pa ang ilang araw ay pakiramdam ko na hindi na ako tatagal.

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon