Abcd POV
Makalipas pa ang ilang araw ay pakiramdam ko ay susuko na ang katawan ko dahil sa mga sugat na natamo ko.
Sumabay pa ang walang kaen kaya mas lalo akong nahihirapan. Nakahiga lang ako sa kama dahil kapag pinipilit kong tumayo ay nahihilo ako.
Maya maya naman ay biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang isanag lalaki na may dalang tray ng pagkain.
Namilog naman kaagad ang mata ko ng makita ito. Inilagay nito sa ibabaw ng kama ang tray. Ako naman ay pinilit na makakain.
"Ang sarap sa feeling na nakikita kita sa ganyang sitwasyon Abcd" pumasok si Bianca at umupo sa may dulo ng kama.
"Sige kumaen ka pa dahil maya maya may pupuntahan tayo at siguradong magugustuhan mo" paliwanag nito.
Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Baka mamamatay ako ng tuluyan kapag hindi pa ako kumaen.
"Manonood tayo mamaya" sabi nito kaya naman napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Mamili ka ng theme ng movie na papanuorin natin" tanong nito.
Hindi ako sumagot sa tanong nya. Mukhang may tama na yata ang bruhang to.
"Fine ako na lang ang mamimili. I want action with sad love story pero live natin mapapanood ito HAHAHA" sambit nya at sabay tawa ng malakas.
Kinabahan naman ako sa mga sinasabi nya. Masama ang kutob ko mukhang may masama syang pinaplano. Agad naman na pumasok sa isip ko si Xander kaya mas lalo pa akong nag alala.
Ng makatapos akong kumaen ay may pumasok na mga lalaki. Hinawakan nila ako at nilagyan ng takip ang mga mata ko at tinalian rin ang kamay at paa ko.
Kinaladkad nila ako palabas at maya maya lang ay nakaramdam ako ng malakas na suntok sa sikmura at unti unti ng naglabo ang paningin ko.
Ng magising ako ay nakatali na ako sa isang bangko. Nakita kong may nakakabit na bomba sa akin. Nag panic naman kaagad ako. Hindi pa sya nagsstart pero sobrang kaba ang nararamdaman ko.
Medyo nagdidilim na kaya wala na ako masyadong makita dahil lumalabo na rin ang paningin ko. Wala akong makitang pwedeng paglabasan kaya naiiyak na ako sa takot. Gusto ko mang sumigaw ng malakas dahil baka may maka rinig man lang sa akin pero may busal ang bibig ko.
Napagtanto ko na hindi ako umalis sa lugar kung saan ako ikinulong ng ilang araw. Dahil nakikita ko ang pintuan na kanina ay nilabasan ko.
Medyo malayo ang pwesto nito sa kung saan ako nakaupo ngayon pero nakikita ko ito mula rito.May narinig akong mga kalabog kaya naman naging alerto ako baka sakaling may makatulong sa akin. Tumagal iyon ng ilang minuto.
May nakita akong isang bulto ng tao na lumabas sa kwarto pero hindi ko napansin ang pagpasok nito.
"Your the one whose behind of all of this?" Isang galit na boses ang umalingangwa sa loob.
Nagulat man ako ay parang kilala ko ang boses na iyon. Mas lalo tuloy akong naiiyak dahil kung hindi ako nagkakamali ay si Xander yun.
"Yeah the one and only" Sagot ni Bianca.
"Were is she ?" Rinig kong tanong ni Xander. Gustong gusto kong sumigaw na nandito ako pero wala akong magawa kaya naiiyak na lang ako sa kung anong pwedeng mangyare.
"Who? Ohh Abcd right well dont worry about her Im taking care of her" sagot ni Bianca.
"Tell me were is she" Ani ni Xander.
Maya maya ay biglang nagliwamag ang buong lugar. Napapikit naman ako dahil sa ilaw na tumama sa mata ko.
Ng makabawi ang paningin ko ay nakita ko si Xander. Umiiyak ako at pinippilit magsalita.
"Bakit ka pa dumating? Mapapahamak ka lang sa ginawa mo dapat hindi ka na lang pumunta. Ayokong mapahamak ka." Mga salitang gustong kong isigaw at itanong sa kanya pero hindi ko kaya.
"MAGBABAYAD KAYO SA GINAWA NYO SA BABAENG MAHAL KO" mas lalo akong napiyak ng marinig ang mga salitang iyon dahil baka sa likod non ay kapahamakan para sa kanya.
Ngayon alam ko na kung anong ibig sabihin ni Bianca kanina. Manonood kami ng isang movie pero live. Ang kaibahan nga lang ay si Xander ako at mga tauhan nya ang gaganap dito.
Napapapikit na lamang ako sa mga nangyayari. Sa bawat sugat at tama ng baril na natatamo nya ay pag iyak na lamang ang nagagawa ko. Hinihiling ko na sana mataopos na tong lahat at maging ligtas sya.
Ilang saglit pa ay isa na lamang ang kalaban nya. Hindi tumitigil ang mga luha ko lalo na ng nakikitang nahihirapan sya dahil sa mga natamo nyang sugat. Ng mapatay nya ito ay pinilit nya ang sarili nyang tumayo at naglakad sa direksyon ko.
Parati syang natutumba pero pilit pa rin syang bumabangon para makalapit sa akin. Umiyak ako ng umiyak sa nakikita ko.
Pinilit ko maalis ang busal na nakalagay sa bibig ko. Mga ilang minuto ay natagtag ko na ito.
"Xander please tama na wag mo ng pilitin kung hindi mo kaya" pagmamakaawa ko sa kanya. Ayokong nakikitang nahihirapan sya.
"I nee....d t.....o save y......ou. I need to sa.....ve my girl" sambit nito habang paputol putol at pinipilit na tumayo.
"Xander" tawag ko na lang dito kasabay ang pagtulo ng aking luha dahil hindi pa rin tapos ang masamang pangyayaring ito.
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Novela JuvenilMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...