Abcd POV
Nasa mall ako ngayon kasama si Ayesha. Pinuntahan nya ko sa appartment ko dahil alam nya na hindi ako maglalabas ngayon na nga lang ulit na sinagan ng araw ang balat ko dahil sa nangyari hndi ko na inintindi ang sarili ko parateng sya ang nasa isip ko.
"Beshy look oh bagay to sayo" at pinakita nya saken ang isang cute na dress na kulay cream.
"and this one para terno and and wait ...
this cutie hat" pinakita nya ng isang low cut na rubber shoes which is color white at ang big hat na pang summer ganon pero super cute nga namn bagay na bagay sa dress.
"Do you like it? Bagy na bagay sayo to. Lalo na at magsusummer na" Tanong nya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. At kaagad namn syang nagpunta sa counter at binili iyon.
"Use this" inabot ko sa cashier ang atm na hawak ko. Hindi ko na inintay na si Ayesha pa ang magbayad dahil ako namn gagamit nun.
May pera pa namn ako kaya naman alam kong mabibili ko iyon. Malaki naman ang sweldo na binayad saken kaya nakaipon ipon na din ako.
"Beshy treat ko to okay? Ako na. Miss ibalik mo sa kanya yan" utos nya sa babae pero hindi ko to tinanggap.
"Its okay besh ako na its mine naman diba marami kana naitulong saken" at ngumiti ako sa kanya. Hinayaan nya na lang din na ako ang magbayad.
Marami din ang nabili nyang damet at kung ano ano pa mga shoes, accesories and so on.
"Lets eat na beshy gutom na ako and Im sure ikaw din" hinayaan ko na lang sya at sumunod kung saan kame kakaen nagugutom na din naman ako.
"Watch out idiot!" singhal ng isang babae sakin. Hindi ko sya napansin kya naman nababangga ko sya natapon ng konte ang hawak nyang juice sa kamay.
"Sorry" maikli kong banggit sa kanya. Wala kase akong ganang makipagtalo at makipag usap.
"Sorry huh?! Idiot kase sa susunod tumingin ka ha" at agad na man din syang umalis.
"Beshy okay ka lang? Walang hiyang babaeng un bakit pumayag ka na sabihan ka ng ganon?" May inis na tanong nya.
"Hayaan mo na lang besh ayokong makipagtalo ako din naman ang may kasalanan. Tara na" ako na ang humila sa kanya sa isang fansy na restaurant sa kabilang kalsada ng mall.
"You know what beshy Im happy na sumama ka saken na lumabas para atleaat hindi ka mukang ewan dun sa appartment mo lage kana lang nakakulong don." Sambit nya habang kumakaen.
"Mamaya kna magsalita pagkatapos mong kumaen besh" at kumaen na din ako dahil nagugutom na ako.
"Restroom lang ako besh" paalam ko ng matapos na kumaen.
"Okay besh bilisan mo ha" at umalis na ako.
Ng nasa loob ako ng cubicle at lalabas na ay sa hindi inaasahan narinig ko ang pag uusap ng dalawang babae sa labas kaya naman napatigil pa ako.
"Alam mo girl may good news ako" sambit ng babae no 1
"What is it?" tanong namn ni babae no 2
"its about King Xander" nanigas namn ako bigla ng marinig ang pangalan nya. Mukhang sa AU din sil pumapasok dahil kilala nila si Xander at tinawag itong King.
"I heard na bumalik na sya dto sa Pilipinas after his operation" nabigla man ay nakaramdam ako ng saya sa aking dibdib. Ibig sabihin nandito na sya sa Pilipinas at ligtas sya.
"Sino namn ang nagsabe sayo nyan?" tanong ng isa sa kanya. Curious din ako baka kase mamaya fake news lang.
"My friend na kapatid ng isa sa mga bodyguards ng mga Stoner. Confidential nga daw kaya wag na wag mong sasabihin sa iba" sambit nito sa babaeng pinagsabihan.
"Pero alam mo nasabi nya na may something daw na nagbago kay King pero hindi din daw masabe ng kuya nya sa kanya" at lalo naman akong nacurious sa sinabi nito ano namn kya iyon nagkaron ba ng masamang nangyare sa operation may side effect ganun? Ang dameng tanong sa isip ko pero isa lang ang gusto kong gawin ang makita sya kahit sa malayo dahil miss n miss ko na sya.
"Dapat kase ang sisihin that slutty girl kya nagkaganon si King. Malaman laman ko lang kung sino ang babaeng un kakalbuhin ko talaga" may galit at inis na pagbabanta nya.
"Yeah right! Siguro ay ginayuma nya si King kaya ganon na lang ang concer nya sa babaeng un. Alam mo bang kalat na kalat na to sa campus about what happened. At talagang naging knight in shinning armor nya pa si King napaka ilusyunada talaga nya"
"Tama kung hindi dahil sa kanya hindi nangyari iyon kay King. Nasa maayos na kalagayan sana sya" saad pa ng isang babae.
Mas ilusyunda kayo. Hindi nyo alam ng kwento kaya wala kayong karapatang sabihin yan. Wala kayo sa posisyon ko sa kalagayan namen. Yan ang gustong isigaw ko sa kanila. Gusto kong malaman nila kung ano ba talaga ang nangyayare pero sino nga ba naman ako na paniniwalaan. Buti na nga lang at hindi nila ako kilala dahil kung nagkataon baka pagusapan nila talaga ako at worst baka sugudin at saktan nila ko.
Pero may biglang sumasagi sa isip ko na lahat ng sinabi nila ay totoo. Na ako ang dahilan kung bakit nangyari iyon kay Xander na ako ang malas sa buhay na. Na kung hindi dahil sa akin ay sana hindi sya nasaktan ng ganoon. Nakikita ko sa kanya nung mga oras na yon na handa nyang gawin lahat, handa nyang itaya ang buhay nya para masagip lang ako at yun ang pinaka ayaw kong mangyare. Ayokong masaktan sya ng dahil saken dahil dobleng sakit ang nararamdaman ko.
Maya maya pa ay umalis na ang dalawang babae na nag uusap.
Lumabas na din ako maka ilang segundo ng makalabas ang dalawa. Nakita kong wala si besh sa upuan na iniwan ko at hinanap ng aking mata sa restau maya maya ay nakita ko syang nakatayo sa my dulo at may kausap ito sa cellphone.
Inintay ko pa sya ng ilang minuto bago matapos ito at naglakad na papalapit sa akin.
"Lets go?" aya nito sa akin kaya naman umalis na kame.
Naglalakad na kame papunta sa parking lot. May dala kaseng kotse si besh. Isang katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse habang nagmamaneho si Ayesha. Mukhang hindi rin sya mapakali.
"May problema ba?" tanong ko dito
"Ahmmm beshy may sasabihin ako" seryosong sambit nya.
"Ano yon?" tanong ko naman dito. May hinala na ako sa kung ano mang sasabihin nya.
"Is it about Xander?" at nagulat naman sya ng sabihin ko ito. I knew it
"How come you know it? But yes its about Xander" saad nya.
"Nung nasa cr kase ako may narinig akong dalawang babae na naguusap about Xander kay nalaman ko" sagot ko dito habang nakatingin sa dinaraanan.
"Are you ok?" nagaalalang tanong nya.
"Ofcourse okay lang ako mas okay nga na nandito sya para atleast makikita ko sya kahit na malayo pa. Basta alam kong ayos sya magiging okay na din ako" at nag unahan na naman ang mga butil ng luha sa aking mata.
"its good to hear that" nagpatuloy na syang magdrive.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil lumiko sya na dapat ay straight lang papunta sa appartment ko.
"I know you missed him so much. And I want you to smile again at alam kong gusto mo na din sya makita....
Kahit sa malayo" sambit pa nito kaya naman nag unahan ang tibok ng puso ko sa kaba.
Makikita ko na ulit sya? Tanong sa aking isip.
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Підліткова літератураMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...