SinB's POV
From: Seongho oppa
To the future couple, your first meeting will be take place on the day after tomorrow. On 8:00 AM, WGM staffs will be outside your door step. Goodluck and have a happy marriage!
"Unnies! Umji! Si Seongho oppa nag-text!" sigaw ko. Nandito kami sa practice room dahil nagpa-practice kami.
Nagsipuntahan naman sila sa may pwesto ko at tinignan yung cellphone ko.
To: Seongho oppa
Ne, arasseo oppa.
"Ohmygosh! Kailangan mo na magpa-make over! How about mag-shopping tayo ng susuot mo?" sabi ni Sowon unnie habang pumapalakpak.
"Eh regalo? Meron ka na bang naisip? Kailangan mo ng regalo para sa first meeting niyo unnie" sabi ni Umji.
"Wala pa eh..." sabi ko at nag-kamot ng ulo.
"Hala ka! Tara na, uwi tayo sa dorm, mag-ready ka na, kailangan mo magpaganda at magpa-sexy para kay Jungkook," sabi ni Yuju at hinatak ako patayo.
Fangirl talaga to ni Jungkook eh -_-
"May practice pa---"
"Ako na mag-sasabi kay manager na uuwi muna tayo," sabi naman ni Sowon unnie.
Wala na akong nagawa dahil hinigit na nila ako patayo para umuwi kami.
Pagkauwi namin sa dorm ay agad agad na nag-linis sina Yerin at Eunha unnie.
"Tulungan niyo akong mag-isip kung anong ireregalo ko sakaniya," sabi ko kina Umji.
"Hmmm... hindi naman kasi pwedeng masyadong personal agad agad yung regalo mo, baka sabihin ang obsessed mo naman. Ang hirap mag-regalo sa lalaki" -sowon unnie
"Ay may idea ako!" sabi ni Yuju at tinaas ang kamay niya.
Tumingin kaming lahat sakaniya at nag-hintay sa sasabihin niya. Nandito kami sa kwarto namin at naka-upo kami sa mga kama.
"Bumili ka ng maganda box, tapos mag-selca ka sa polaroid camera, dapat pang-dyosa dyosa ng buhay mo yung itsura mo dun. Tapos ilagay mo sa loob ng box, sulatan mo dun ng 'I'm yours' tsaka ilagay mo na din number mo!" ngiting ngiti na sabi ni Yuju.
Napa-busangot naman ako, ang panget naman nun.
Napaka-vain.
"Yah, unnie! Panget naman nun! I'm yours agad agad? Grabe naman," sabat naman ni Umji.
Nag-pout si Yuju at umupo ulit ng maayos, "Idea ko lang naman yun"

BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...