Episode 15

391 24 12
                                    

SinB's POV


Nagising ako nang dahil sa init ng sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko.


Siniksik ko ang mukha ko sa may dibdib ni oppa at huminga ng malalim.


Teka...


Anong nangyari kagabi????


Paano ako napunta dito????!


Agad agad akong umupo sa kama kaya kumirot ang ulo ko.


Tumingin ako sa paligid ng kwarto.


Nasa may lapag yung dress ko kagabi, pati yung pantalon ni oppa at ang belt. Pati medyas at sapatos kung saan saan lang nakalagay. Pati din ang heels ko ay nasa may gilid ng kama.


Kung nandyan ang dress ko, ano yung suot ko...


Tumingin ako sa damit na suot ko at agad na nanlaki ang mata ko.


Suot ko yung white polo ni oppa!!!!!!!


Omg!!!!


Agad kong inamoy yung collar at tama nga ako, ito yung suot niya kagabi.


Tinignan ko si oppa na tulog pa din sa tabi ko at tinignan sa ilalim ng kumot ang suot niya.


Naka-pajama siya at white na t-shirt.


At ako...


Ako wala...


Yung undergarments lang na suot ko sa dress ko kagabi ang suot ko sa ilalim ng polo ni oppa.


Naka-strapless na bra tapos sobrang iksi at sobrang nipis na shorts.


Nakita kong mali mali pa yung pagkakabutones ng polo...


Tama, naaalala ko na...


Si oppa ang nagpalit ng damit ko kagabi...


Pinatay niya yung ilaw para hindi niya makita at hindi makita ng cameras, kaya hindi din tama ang mga nalagay niyang butones.


Dahan dahan akong bumaba ng kama at pumunta sa living room.


Sobrang laki saakin ng polo ni oppa, lumagpas yung sleeves sa kamay ko at nasa may mid-thigh ko na yung dulo.


Umupo ako sa tabi ng maleta ko at nag-halungkat ng damit para makaligo.


Kumuha ako ng red and black striped t-shirt tsaka high waist denim shorts.


Kinuha ko pati yung towel at toiletry bag ko at dahan dahan na pumasok ulit ng kwarto.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon