A/N: Don't play the multimedia yet! Although i-ready niyo yan for later, I TRIED to edit it but I don't know shit in editing so that happened lol. Play it when I tell you!!! Arasseo???
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
SinB's POV
It only took us three days para matapos yung kanta namin. Parehas pala kami ni oppa na once na may nasimulan kami, ayaw na naming tumigil.
Lahat ng waking moments namin, magkasama kami at gumagawa ng kanta, minsan kasama namin si Suga or Namjoon oppa.
All in all, 95% na ang progress ng song namin, the only thing left to do is to record at nandito kami ngayon sa recording studio ng BigHit para mag-record.
Nag-insist si Suga oppa na dito kami imbes na sa Source Music dahil syempre dito siya mas comfortable at siya din naman mage-edit kaya pumayag na kami, hehe.
Kaming tatlo lang ang andito sa studio at nagvo-vocalization kami ni oppa habang nagkakaroon ng last adjustments sa kanta.
"Okay na, tama na yan. Sino gusto mauna?" tanong ni Suga oppa na nakaupo sa upuan niya sa harap ng controls habang mukhang bored na bored.
"Ako na lang oppa," sabi ko. Kasi feeling ko pag nauna si Jungkook oppa sakin, who is sobrang galing na, baka bigla mag-expect siya ng sobra sakin diba. Kaya pinili ko na lang mauna para atleast walang expectation.
"Go Eunbi," kiniss ako ni oppa sa right cheek bago ako pumasok dun sa cubicle.
"Relax ka lang SinB, tapos isip ka ng happy thoughts tutal happy yang kanta niyo," sambit ni Suga oppa.
Nag-nod lang ako at nag-simula nang kumanta.
Pagkatapos ko nung first verse, pinatigil ako at pinasimula ulit dahil daw ninenerbyos yung boses ko.
"Mukha lang naman akong nakakatakot, SinB, pero di kita kakainin ng buhay, go ahead," sabi niya pa.
Nag-thumbs up lang sakin si oppa mula don sa mirror kaya nag-simula na ulit akong kumanta. Habang kumakanta ako ay nakikita ko silang dalawa na nag-uusap, si Suga oppa ay umiiling at parang iniisip niya kung bat nga ba siya andito.
Pinatapos niya sakin lahat ng parts ko bago siya mag-salita ulit, "Alam mo SinB, napanood ko 'toh dun sa isang couple na napanood ko dati, nalimutan ko lang kung sino. Ano, papapuntahin ko diyan si Jungkook baka sakaling may magic na taglay yung ilong niya at di ka na nerbyosin," sambit niya at sakto namang bumukas yung pinto at pumasok si oppa.
"You okay?" tanong niya sakin.
Tumango lang ako sakaniya. Tumayo siya sa may gilid ko at hinawakan ang isang kamay ko, automatic naman akong napa-ngiti dahil nawala nga ang nerbyos ko, parang feeling ko mas confident akong kumanta.

BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...