SinB's POV
Nang makarating kami doon sa may paanan ng isang mountain ay natanaw ko kung gaano yun kataas. Nakita ko yung cables kung saan dumadaan yung cable car at hindi ko na maaninag kung saan yun natatapos.
"I assume you prefer to ride the cable car?" Tanong ni Martin saamin pagkababa namin ng sasakyan. Kasunod pala namin yung mga staff ng WGM pero tulad ng sabi nung PD, hinahayaan lang nila kami.
"Well, hindi kami naka-hiking outfit, so yes, I guess" sambit ni Jungkook oppa.
Kinuasap niya yung tao sa booth at nakakuha naman siya ng parang card para sa isang cable car.
Ito yung type ng cable car na maliit lang, four seater lang siya kaya naman nag-lagay na lang ng cameras yung staffs sa harap namin.
And the cable car started ascending.
Panay ang tingin ko sa labas, sa magandang view na unti unti kong nadidiskubre.
Sobrang ganda ng Jeju, nakakainggit yung mga nakatira dito.
"Ang ganda ng view~" manghang mangha kong sabi habang nakatanaw sa labas.
"Oo nga" sambit naman ni oppa kaya napatingin ako sakaniya. Pero hindi naman siya nakatingin sa view, saakin siya nakatingin.
"Sabi ko oppa ang ganda ng view" paguulit ko pa at tinuro yung labas.
"And I agreed. You're the best view for me, Eunbi" sabi niya at nilagay yung isang strand ng buhok ko sa likod ng tenga ko.
"Aigoo, oppa~" namumulang sabi ko at hinampas siya sa braso.
Ngumiti lang siya sakin at hinuli yung kamay ko saka niya hinawakan yun.
Nang ma-intertwine niya ang kamay namin ay saka lang siya tumingin sa labas, "Yes, the view is beautiful, indeed"
Hindi ko alam kung anong sumapi saakin at naisipan kong itanong ang, "What's more beautiful, me or the view?" I asked.
Lumingon sakin si oppa and I saw his eyes smile in amusement, "You're beyond beautiful, Eunbi" at tumingin na ulit siya sa labas.
Pagkadating namin ay kitang kita namin yung clouds sa taas, pero masukal na yung gubat at kung gabi siguro ay nakakatakot na dito.
Hinintay namin yung mga staffs na dumating at sabay sabay kaming pumunta doon sa may suspended bridge na sinasabi nila.
Pagdating namin sa may pinakatuktok ng bundok ay wala na masyadong puno, at doon namin nakita ang tulay.
Hindi ko ma-explain ang mukha ko nang dahil sa nakita.

BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
ComédieDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...