Jungkook's POV
Ilang minuto na ang naka-lipas nung nag-end yung mini performance namin. Ni-request nung PD na kung pwede i-perform namin ng full pero hindi na ako pumayag dahil tangina ba nila? Mukha bang gusto kong mag-aksaya ng ilang minuto ng pag-kanta imbes na sinusulit namin ni Eunbi yung oras naming mag-kasama?
Nakaupo kami ngayon sa first row ng seats, naka-akbay ako sakaniya at naka-lean naman siya sa shoulder ko. Nag-uusap lang kami kanina, kung ano yung mga ganap ng buhay namin noong pinag-hiwalay kami.
Yung mga masasaya lang ang mga pinag-usapan namin, tulad na lang ng sinabi kong nakapag-sulat ako ng bagong kanta habang naka-tambay sa dorm namin. Hindi ko sinabing kinailangan kong isulat sa papel lahat ng sakit na nararamdaman ko para mabawasan yung nasa puso ko.
Sinabi niyang nakapag-linis siya ng kwarto at nakapag-ayos ng closet. Hindi niya sinabing kaya niya ginawa yun dahil kailangan niya din ng distraction sa sakit, na kailangan niyang gawin yun pag hindi siya makatulog sa gabi kakaisip. Hindi niya sinabi sakin pero alam ko. Alam ko kasi maski ako nararamdaman ko yun.
Nasa katabing upuan niya yung bouquet ng roses na binigay ko sakaniya kasama nung mga single rose na binigay sakaniya nung mga alipores ko nung papunta siya dito.
Feeling ko lang hindi ko siya nabigyan ng enough na flowers eh, she deserves more.
Siniksik ni Eunbi ang ulo niya sa may leeg ko habang yung isang kamay niya ay hawak ko at yung isa eh pinag-lalaruan yung butones sa polo ko.
I kissed the top of her head at inamoy ang shampoo niya.
I will miss this, I will surely miss her.
"Punta na tayo sa next destination, baby?" tanong ko sakaniya habang tine-trace ang sleeve ng dress niya.
"Eodiya?" (Where?) tanong niya at naramdaman kong binuksan niya yung pinaka-taas na butones ng polo ko na pinaglalaruan niya kanina.
"Napuntahan na natin yun dati eh," sabi ko.
"Saan nga?" tanong niya ulit at binuksan pa yung isa.
"Yah Hwang Eunbi, ang naughty mo na ah. I can't control myself as much as you think I can, so close it up baby," sabi ko hinawi ang buhok niya sa balikat niya.
Hindi na siya nag-salita at inayos na lang yung mga butones ko.
Nang matapos niya, umayos siya ng upo at tumingin sakin, "Let's go?" tanong niya.
Tumango ako at tumayo na mula sa upuan, tumayo na din siya habang hawak yung kamay ko pa rin.
"Hindi ba pwedeng iwan na muna yan dito? Medyo istorbo kasi sa moment eh..." sabi ni Eunbi habang naka-tingin sa mga bulaklak at napa-kamot pa sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...