Episode 30

312 22 42
                                        

SinB's POV


D A Y  5


Para sa last day namin sa Bora Bora (babalik na kami sa Seoul mamaya), nag-shopping lang kami ng mga pasalubong.


Nag-stroll kami sa mga mall atsaka souvenir shop.


Nang nabili na namin lahat ng bibilhin namin ay meron na lang kaming enough time para sa dinner at aalis na agad kami.


At dahil last day na namin, binonggahan talaga ni Seyoung yung dinner namin sa tabi ng beach.


Pagkatapos mag-dinner, umuwi na ulit kami para mag-last minute check ng mga gamit namin.


Pakiramdam ko sobrang bilis lang ng oras namin dito, sana mas matagal pa. Kaso wala eh, we've been here long enough. Ang dami pa naming schedule.


"Ready to go home, baby?" tanong ni oppa sakin pagkatapos i-check one last time na wala na kaming nakalimutan.


"Nope," simpleng sambit ko.


Natawa naman siya at tinabihan ako sa pagkakaupo ko sa kama namin, automatic naman na nag-lean ako sa may shoulder niya.


"I'm serious about completing your bucket list ha," sabi niya.


Nag-nod na lang ako at pinilit na itatak sa utak ko yung last moments namin dito sa Bora Bora.


When it's time to go home, nag-boat ulit kami pabalik ng Tahiti at sumakay sa private jet namin.


After 15 long hours, nabalik na kami sa Incheon. Ang weird lang dahil parang nag-skip kami ng isang araw, the timezones are weird.


This time, pag-dating namin sa Incheon Airport, nandoon yung mga kagrupo namin na may hawak na banner na nakalagay "Welcome home newlyweds! 💓"


Napangiti ako noong una ko silang makita pero tumigil ang puso ko ng very slight nung nakita ko yung ulo ng mga fans na nagsisiksikan sa airport na halos di na ma-contain ng guards.


Mag-sama ba namang tumambay GFriend at BTS sa airport eh, talagang dudumugin sila ng fans.


Tsk tsk.


Hinintay lang nila kaming makalapit sakanila, as always terno nanaman kami ni oppa ng airport fashion. Naka-red na long sleeves blouse ako na naka-tuck in sa black skinny jeans. Si oppa naman ganun din, parehas din kaming naka-Timberlands, beanie at shades.


Magkahawak kami ng kamay habang tinutulak ni oppa ng isang kamay ang cart na may dala ng mga bagahe namin.


Pag-dating namin kina unnie, agad na nag-salita si Suga oppa, "Mukha kayong sasayaw."


"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon