Jungkook's POV
It's Eunbi's 8th month of pregnancy. Parehas kaming excited at kinakabahan dahil maaaring maging premature ang baby at lumabas anytime.
Nasa bahay na lang lagi si Eunbi ngayon, nagyo-yoga paminsan minsan at nagbu-burda ng lampin para kay Thunder. Sinarado niya muna yung dance studio niya.
Kasama ko ang twins at the moment, sinama ko sila sa work at pauwi na kami. Dumaan lang kami sa mall para bumili ng cinnamon bun dahil nagke-crave daw si Eunbi.
"Appa, how much longer do we have to wait for Thunder?" tanong ni Minnie.
"Not long now, baby. Maybe about a month," pagpapaliwanag ko.
"Are we allowed to be with eomma when she gives birth?" tanong ni Minah.
Napaisip naman ako bigla. Hindi pa namin napag-iisipan yun ni Eunbi, we'll need to ask her obstetrician para malaman kung okay lang ba.
"I don't know yet, we'll find out," sabi ko na lang. Basta talaga si Minah ang nag-tanong napapaisip ako. Yung mga tanong niya kasi hindi simple eh, siguro dahil alam niya na yung mga simpleng bagay kaya yung mga hindi niya pa alam eh tinatanong niya.
Pagka-park ko sa driveway namin, in-unbuckle ko yung kambal at lumakad na kami papasok ng bahay.
"Yeobo, we're home," sabi ko sa bahay habang nagta-tanggal kami ng sapatos sa may pinto.
"I'm in here!" dinig kong sigaw niya mula sa living room.
Doon kami dumiretso nina Minnie at Minah. Naabutan namin siyang nanonood ng concert ng Big Bang sa TV. Kung tama ang naalala ko, nung MADE era nila yan.
Some fandoms never fade. Once a V.I.P, always a V.I.P.
Pinause ni Eunbi ang pinapanood nang makita kami. Ang lawak ng ngiti niya at agad na niyakap ang dalawa saka hinalikan sa ulo.
Yumuko ako para halikan siya sa labi at tumabi sa gilid niya. Kinandong ko si Minah while si Minnie eh nasa kabilang side niya.
"What do you have for me?" tanong niya sabay nguso dun sa plastic na dala ni Minnie.
"We got you your cinnamon bun," naka-ngiting sabi ni Minnie at binigay sa eomma niya yung plastic.
"Awww, thank you baby," agad niyang kinuha yun at binuksan tapos nilantakan agad. Inalok niya pa kami pero lahat kami tumanggi dahil halata namang kulang pa sakaniya yan.
"Can we watch appa's concert instead?" tanong ni Minnie habang hawak na ang remote control.
"Sure, go ahead," sabi ni Eunbi habang puno ang bibig.
Lumapit ako sakaniya para bumulong, "Don't talk when your mouth is full," saka ko hinalikan ang tenga niya.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...