SinB's POV
Buong araw ay nag-stay lang kami ng GFriend dito sa bahay, nage-explore sa lahat ng sulok at dini-discover and mga hidden passages, lol.
Mamayang gabi pa ata ang dating ng BTS kaya nagpapakasarap muna kami dito sa bahay.
Nandito ako ngayon sa living room at nanonood ng TV, katabi ko si Yuju unnie na nagkakalikot sa cellphone KO.
"SinB-ah..." tawag niya sakin habang sa cellphone pa din nakatingin.
"Ne, unnie?"
"Hindi pa din kinukuha ni Jungkook number mo? Number ng lalaki dito si manager oppa, yung oppa mo atsaka appa mo lang. Yung totoo?" sambit niya at pinakita sakin yung contact list ko kung saan tatlo lang ang lalaki.
Napakamot naman ako sa ulo ko gamit ang remote, "Ewan ko unnie, nawawala lang siguro sa isip niya"
"Kung ikaw na kaya ang kumuha o ang mag-bigay?"
"Okay lang ba yun unnie? Babae ako tapos ako magfi-first move?"
"Oo nam---"
"HINDI! HINDI HINDI!!! YUJU ANONG PINAG-SASABI MO SA ANAK KO, WAG MONG NILALASON ANG UTAK NIYAN AH!" biglang lumabas si Sowon unnie at pinagdu-duro si Yuju unnie ng feather duster.
Kanina pa nag-lilinis yan si Sowon unnie dito sa bahay kahit na malinis naman na.
"Hehehe---ayyy---joke lang unnie eh. Hindi na nga eh, sabi ko nga mag-hihintay si SinB na hingin ni Jungkook eh... hehehhee---joke nga lang unnie diba" tapos binalik na sakin ni Yuju unnie yung cellphone ko. Si Sowon unnie naman nag-patuloy sa paglilinis niya.
Napailing na lang ako at tumayo para pumunta sa kwarto, maliligo nga muna ako.
//8:46PM
Nandito kami ngayon sa kitchen, nagre-ready ng dinner. Oo, nawala kasi sa isip nila mag-luto sa sobrang sarap ng pagpapahinga namin kaya ayan, ngayon pa lang kami magluluto ng dinner.
Lahat kami tumulong na sa pag-luluto dahil baka dumating na ang BTS at nakakahiya kung walang pagkain sa bahay.
🎶I need you girl
Wae honja saranghago honjaseoman ibyeolhae
I need you girl
Wae dachil geol almyeonseo jakku niga---🎶
Natigilan kaming lahat nang biglang mag-ring ang cellphone ko na nasa kitchen counter.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...