Episode 3

692 34 9
                                    

Third Person's POV


Pagkatapos magpakilala ng dalawa ay inaya ni Jungkook si SinB sa may sofa para umupo. Nakita naman ni SinB na aligagang pinupunasan ni Jungkook ang pawis niya.


Binaba niya muna ang dala dalang donut at binuksan ang bag niya, kinuha niya yung pack niya ng tissue na buti na lang nagkasya sa bag niya at inabot kay Jungkook, "Oppa oh," sabi ni SinB.


Nagulat naman si Jungkook at malaki ang matang tinanggap ang tissue, "P-Pwede paki-ulit ng sinabi mo?" request ni Jungkook na parang kinikilig kilig pa.


Napa-kunot noo si SinB, "Oppa?" sabi niya gamit ang kaniyang sobrang cute na boses na nire-reserve niya lang pag kailangan niyang mag-aegyo sa mga unnie niya.


Agad namang namula si Jungkook at bumilis ang tibok ng puso. Ganoon pala ang feeling ng matawag na oppa, kaya pala gustong gusto ng mga lalaki na natatawag na oppa, ang sarap sa feeling.


Napa-ngiti siya at pinunasan ang pawis gamit ang tissue na bigay ni SinB, "Salamat sa tissue," sabi niya.


"No problem," naka-ngiting sabi ni SinB.


Habang pinupunasan ni Jungkook ang pawis ay naisipan niyang mag-hubad ng coat. "Uhm, pwede ko bang hubadin ang coat ko?" pagpa-paalam ni Jungkook.


Nag-taka si SinB kung bakit niya kailangan mag-paalam pero pumayag siya, "Huh? Ah, ne," sabi niya.


Hinubad ni Jungkook ang red niyang coat at pinatong sa kung saan.


Agad na napalunok si SinB. Sabi ko na nga ba ang hot talaga nito ni Jungkook, para siyang hindi maknae sa itsura niya. Mygad, bakat pa polo niya dahil sa pawis. Sine-seduce ata ako agad nito first meeting na first meeting pa lang.


Pagkatapos mag-punas ng pawis ni Jungkook ay may naalala siya bigla, "Ah, may bibigay pala ako sayo SinB," sabi niya at biglang tumayo.


Na-curious naman si SinB kung ano yun.


Kinuha ni Jungkook ang biniling bouquet at binigay iyon kay SinB.


Nakangiti iyong tinanggap ni SinB, "Kamsahamnida, oppa," sabi niya at nginitian si Jungkook.


Namula nanaman si Jungkook, hindi niya maipaliwanag yung nararamdaman niya sa tuwing tinatawag siya ni SinB ng 'oppa', lalo na pag may kasama pang ngiti.


Inamoy ni SinB ang bouquet at napangiti pa lalo dahil sa mabangong amoy nito.


"Ah, oppa, ako din may bigay sayo," sabi ni SinB.


Hindi alam ni Jungkook ang nararamdaman niya, kinikilig siya na parang ewan. Hindi ba dapat babae ang kinikilig? Mukhang cool na cool lang si SinB, pero ako mukha akong first timer sa ganito. Sabagay first timer ko naman talaga.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon