Special Chapter #3

324 19 6
                                    

//Baby's Fifth Month


"Minnie, Minah, we'll pick you up after we're finished with the check up, okay?" sabi ko dun sa dalawa, ang appa nila ay kausap si Jimin habang dala dala yung mga gamit nung dalawa.


"Ne, eomma. We'll be okay, take your time," sambit ni Minah.


"Okay, baby. Behave kayo, okay? Wag masyadong pasasakitin ang ulo ni Uncle Jimin at Aunt Karen, pati na din ni Max at Jungkyoo, yung mga gamit niyo nasa bag," bilin ko sakanila.


Oo, pinangalanan nila ng Jungkyoo ang anak nila. Sa pagkakaalam ko kasi, nagkaron silang mag-asawa ng deal. Sa panganay nila, si Max, si Karen ang pipili ng pangalan at di pwedeng pumalag si Jimin, kaya nga hindi korean name ang pangalan eh. Tapos ayan pag-dating kay Jungkyoo, dapat nga Jungkook ang ipapangalan  niya (*ehem* jikook *ehem*) kasi diba golden maknae, malay mo mamana ng anak niya.


Muntik na siyang habulin ni Karen gamit itak kaya napilitan siyang baguhin into Jungkyoo. Jungkook + Yoongi daw. Medyo malandi din si Jimin oppa, noh?


"Ne, eomma! Don't forget to bring me pictures of our baby, okay?" habol pa ni Minnie.


"Okay, baby," kiniss ko silang dalawa sa cheeks at agad silang nakipag-laro kina Max at Jungkyoo.


Lumapit ako kina yeobo at Jimin.


"Ngayon niyo na malalaman yung gender, diba?" tanong ni Karen na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.


"Oo, mas excited pa nga yung kambal eh."


"Ano bang gusto nila?"


"Gusto daw nila ng baby brother."


"Ay bongga, may pa-baby brother pang nalalaman. Si Max nga asungot lang tawag kay Jungkyoo eh," natatawang sabi ni Karen. Nanlaki naman agad ang mata ko kasi baka marinig nina Minnie yun eh mahilig pa naman sila manggaya ng naririnig nila.


"Joke lang, pinag-sabihan ko na, hahahaha. Yang mukha mo SinB eh ang daling mabasa," aliw na aliw na sambit niya kaya sumimangot lang ako.


"Pano ba yan, alis na muna kami. Balikan na lang namin yung dalawa ah, salamat," sambit ni yeobo at hinawakan na yung kamay ko.


Kumaway lang yung dalawa, hinalikan ni Jungkook yung kambal na busyng naglalaro sa living room saka kami lumabas ng bahay nila at pumasok sa sasakyan para pumunta sa OB ko.


"Excited, baby?" tanong niya habang nagda-drive siya and at the same time hawak pa din ang kamay ko.


"Super," naka-ngiting sabi ko.


"The last time hindi tayo masyadong na-excite kasi more on pag-aalala tayo dahil mahirap mag-buntis ng kambal," sambit niya habang nakatingin sa daan.


"Yun na nga eh, ngayon nararamdaman ko yung full force. Aminin mo yeobo, gusto mo din ng boy, noh?" tanong ko.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon