A/N: Kung may hindi pa nakaka-alam sainyo ng Now ng Trouble Maker, you can watch the video above para hindi kayo ma-confuse sa performance mamaya ;)
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
SinB's POV
//January 13, 2017 | 31st Golden Disc Awards | Day 1
Kakatapos lang mag-perform ng GFriend ng Rough at Navillera, after mag-retouch bumalik na din sina unnie at Umji sa table nila sa audience pero ako nag-stay ako sa backstage dahil kailangan ko na mag-ready para sa performance namin ni V oppa ng Now.
After ng performance ng Black Pink kami na eh.
For a week puro lang kami practice, and sa buong week na yun hindi manlang kami nag-come close to perfection. Sobrang awkward pa din namin kahit anong gawin namin.
Kahit na sobrang labag sa kalooban kong mag-perform ng hindi ko perfect ang performance, wala naman kaming choice. Hanggang bago mag-start ang show nagpa-practice kami ni oppa pero WALA. NAPAKA-PANGET. NAIINIS AKO.
Ang outfit ko ay parang outfit ni HyunA unnie lang nung nagpo-promote sila.
Long sleeves, crop top na red na fitted atsaka high waisted black leather high waist shorts. Naka-black boots ako na abot hanggang mid thigh. Kinulot nila yung buhok ko ng medyo maliliit tapos medyo magulo din, parang just woke up like this ba.
Naka-red lipstick ako at smokey eye. Ang bad ass ko lang tignan pero wala eh, iba pa din syempre yung kay HyunA unnie.
*tok tok tok*
Napalingon ako sa pinto, bumukas yun at may sumilip na babae.
"Oh my god," napa-takip ako sa bibig ko at napatayo mula sa upuan ko sa harap ng salamin.
Ngumiti siya sakin at lumapit para yakapin ako, "Annyeong," bati niya sakin.
Hindi ko siya nayakap pabalik nang dahil sa gulat ko, "A-Annyeong haseyo unnie," utal utal na sabi ko habang naka-tingin pa din sakaniya.
Naka-dress siya ng fitted black at fur coat na white. Slay, as usual.
"Balita ko magpe-perform daw kayo ng Now?" tanong niya sakin habang naka-ngiti.
Napakamot naman ako sa ulo ko nang dahil dun, nakakahiya dahil mapapanood niya pa pala kaming pumalpak sa stage, aish. "Oo unnie, kami ni Taehyung oppa," sabi ko.
Tumaas naman bigla ang kilay niya pero hindi na nag-salita. Tinignan niya ang ayos ko at parang natawa, "Ang lakas maka-throwback ng suot mo, grabe, brings back memories," sabi niya at hinawi ang buhok.
Gusto ko sanang i-tanong kung ano na bang nangyari sakanila ni Hyunseung oppa pero syempre ayoko naman maging chismosa, nakakahiya diba hindi naman kami gaanong close eh, nagulat nga ako pinuntahan niya ako dito.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...