A/N: Again, merong mga scene dito na may reference sa Killing BTS na story ko pero maiintindihan niyo pa din naman kung hindi niyo yun binasa. Wag lang kayong ma-shock kapag may sinabi akong information na hindi niyo alam.
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
SinB's POV
Tulad nga ng sinabi nila unnie, hindi na ako makatanggi dahil as of this moment, on the way na kami sa BigHit.
"Oppa, di ba talaga pwedeng dumaan sa salon? Kasi ano---"
"SinB, hindi mo kailangan mag-ayos, magpapractice lang kayo ni V," sabi niya habang naka-focus sa pagda-drive.
"Kahit na, malay mo..." naka-ngusong sabi ko at pinilit na ayusin yung buhok ko.
"Hindi kayo magkikita ni Jungkook, SinB. Wala siya dun. Si Taehyung lang ang makikita mo," sambit niya.
"Tss," sagot ko na lang saka patuloy na nag-retouch.
Pagdating namin ng BigHit, sobrang kinakabahan na ako. Kahit na naging malinaw naman si manager na wala dito si Jungkook, syempre di ko pa din maiiwasang umasa.
Paano kung itong araw na 'toh ay yung araw na magkakausap na ulit kami? Anong mangyayari?
Pag-pasok namin ng building, nag-elevator kami papunta dun sa floor na sinabi ni manager. Sabi niya ihahatid niya lang daw ako hanggang sa room.
Nag-lakad kami papunta dun sa practice room at nung nasa tapat na kami ng pinto, huminga ako ng malalim.
Naalala ko tuloy yung first meeting at last meeting namin ni oppa, sa dance practice room ng SOPA.
Kumatok ako at binuksan ng dahan dahan yung pinto. Tahimik sa loob at ang tao lang na nakita ko ay si V oppa na nakaupo sa sofa habang nagce-cellphone at isang tao pa na nasa harap ng computer.
Napatingin sila sakin dahil narinig nila ang pagkatok ko, "Annyeong haseyo," bati ko at nag-bow.
"Oh, SinB-ahhhhh!!!!" napabalikwas si V oppa at agad na binitawan ang phone niya saka ako sinalubong.
Dinamba niya ako ng yakap kaya niyakap ko din siya pabalik.
"Wah SinB, namiss kitaaaa," sabi niya habang tinatapik ang likod ko.
"Nado, oppa," mahina kong sabi dahil medyo nanlumo ako nang makitang wala nga talaga si Jungkook oppa.
Kumalas na si Taehyung sa yakap at tinignan ako, "Ano, ready ka nang mag-perform sa GDA?" tanong niya habang napaka-lawak ng ngiti.
"Ne, oppa. Pero ano nga bang ipe-perform natin? Hindi sinabi sakin nila unnie," sabi ko.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...