Episode 12

496 29 10
                                    

Jungkook's POV


Andito ako ngayon sa dressing room ng GFriend, nagre-ready sila para sa photoshoot.


Nung tinext ko siya kung nag-lunch na ba siya, I was on the way here. Nag-skip ako ng practice dahil nung isang araw pa kaming hindi nagkikita.


I miss her, okay?


Tapos tangina ano madadatnan ko, may skinship sila nung Rocky na yun?


Noong una hinayaan ko lang, pero naba-badtrip na talaga ako. Chansing na siya noh! Tas pinapahawak niya pa mga muscle niya sa Eunbi ko. Pati abs niya, tangina may abs din ako!


Badtrip talaga ako dun sa Rocky na yun eh, pag ako lang talaga naka-laban ko yun sa kung saan, dudurugin ko yun.


Sa dami ng pwedeng magustuhan asawa ko pa talaga. Akala nila di ko naririnig pinagsasabi nila kanina? Ulol nila.


Wala pa siyang maipagmamayabang sakin, manahimik siya.


"Eunbi, ah" sabi ko at pinakita sakaniya yung pagkain.


Ngumanga naman siya at isinubo yung pagkain.


Mine-make upan siya kaya hindi siya makakain sa sarili niya kaya sinusubuan ko siya.


"Jungkook ako din gutom na" sambit ni Yuju.


"Maghanap ka ng sarili mong asawa Yuju" sambit ni Sowon noona habang nagse-selca.


Ngumiti lang ako at patuloy na pinakain si Eunbi.


Binilan ko naman sila ng pagkain lahat, pero syempre si Eunbi yung susubuan ko.


Sobrang nata-touch ako kanina nung nagso-sorry siya saakin. Minsan lang kasi mag-aegyo si Eunbi, and to think na naga-aegyo siya para lang mapatawad ko siya, o diba.


Oh ano, Rocky? Tanginang yun palamunin ko ng graba yun eh.


Nang maubos niya yung pagkain niya ay hindi pa siya tapos ayusan ng buhok, kaya naman patago akong kumuha ng picture niya gamit ang cellphone ko.


Nakatingin siya sa salamin nun at naiilawan yung mukha niya gamit yung mga ilaw sa gilid ng salamin.


Sobrang ganda niya in short.


Agad akong pumunta sa twitter.


Uri Eunbi-ah neomu yeppeuda~~ @GFRDofficial [JK]


Tapos tinweet ko.


Agad na dinagsa ng retweet at favorite yung tweet ko.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon