Jungkook's POV
"Ano ba, wala ba kayong sariling dorm? Bat ba kayo nakiki-siksik dito?" yamot na sabi ni Suga hyung nang pag-labas niya ng kwarto ay naabutan niya sina Eunsang at Karen noona na nasa living room namin at kumakain ng ramen kasama sina Jimin at Taehyung.
"Pwede Yoongi manahimik ka bago kita gawing katawa-tawa sa susunod na photoshoot niyo?" walang emosyon na sabi ni Eunsang noona habang di inaalis ang tingin sa TV kung saan may nagpe-play na kdrama.
Hindi na ako nag-salita at pinatuloy lang yung inaayos ko sa laptop ko. Simula noong nagkausap kami ni Yoongi hyung about kay Hana noona, hindi na ako nakikisali sa mga pang-aasar sa bitter remarks niya.
Nag-buntong hininga si Suga hyung at sumalampak katabi ko sa sofa, tutal yung apat eh nasa lapag naman.
Napatingin siya sa ginagawa ko sa laptop bago ko pa mai-close yung document.
"Nagsusulat ka nanaman ng kanta?" bulalas niya habang malalaki ang mata.
Napatingin naman yung apat sakin, "Seryoso?" tanong ni Jimin hyung.
"Hindi, nag-susulat lang ako ng idea," sabi ko at akmang isasara na yung laptop nang pigilan ako ni Suga hyung.
"Jungkook patingin ako," matigas na sabi niya.
"Ayoko hyung, wala naman yun talaga, kung gusto mo susulatan na lang kita ng iba, wala lang yun," sabi ko habang pinipilit na tumayo mula sa sofa kaso pinag-tulunganna nila ako. Inabandona na nung iba yung ramen at kdrama na pinagkakaabalahan nila.
"Isa, Jungkook. Ipapakita mo sakin o susundutan ko ng lapis yang ilong mo?" seryosong tanong niya sakin.
"Hyung wala naman kasi talaga---" makikipag-away pa sana ako kaso bigla niyang hinila mula saakin yung laptop at binuksan yung document na hindi ko na na-close.
"Malay mo pumayag pa si CEO na isama to sa album natin, kahit na solo mo, diba, ayaw mo ba nun? Kaya wag ka nang mag-reklamo diyan at tulungan mo ko i-produce 'to," sabi niya habang mabilisang binabasa yung lyrics at nagta-tap pa ng daliri sa laptop.
"Hyuuung~~" pagre-reklamo ko.
"Wow. I-break ko na din ba si Taehyung para matulungan kayo mag-sulat ng kanta?" taas kilay na tanong ni Eunsang noona habang naka-ngiti.
"Pag nakipag-break ka saakin hindi lang lyrics isusulat ko, pati script ng hentai isusulat ko," poker face na sabi ni hyung.
"Napaka-baboy mo, puro ungol lang naman sa hentai, as if may isusulat ka don na may silbi," umiiling na sabi ni Eunsang noona.
"Nakaisip ka na ng melody para dito?" tanong sakin bigla ni Suga hyung.
Nag-buntong hininga ako at tinanggap na lang na hindi na niya ako tatantanan, basta talaga usapang kanta na napaka-kulit niya.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...