Episode 21

367 23 30
                                    

SinB's POV


Hindi ko alam kung alin ang una kong titignan, yung gazeebo na sobrang magical tignan nang dahil sa sobrang daming christmas lights?


Ang mga kamembers ko na nasa magkabilang gilid ng gazeebo at may mga hawak na basket ng rose petals?


Ang members ng BTS na katabi nina unnie na malalawak ang ngiti, lalo na si Jimin oppa na may hawak na speakers kung saan may tumutugtog na intro ng isang kanta?


O kay Jungkook oppa, ang asawa ko, na may hawak na bulaklak, at nasa harap ko sa entrance ng gazeebo.


Inangat niya ang isang kamay niya na nasa likod niya kanina at nakita kong may hawak siyang microphone.


Wth? Kakanta siya? Magvi-videoke???


"A hundred and five is the number that comes to my head

When I think of all the years I wanna be with you

Wake up every morning with you in my bed

That's precisely what I plan to do."


Acoustic Version ng Marry Me ni Jason Derulo, naalala ko na ang kanta. Hindi ko alam kung bakit hindi manlang napansin ng isip ko samantalang naririnig ko siya minsan na hinu-hum yun.


Nag-lakad siya papunta saakin habang kumakanta at nakangiti.


Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko, namamawis ang kamay ko at feeling ko hindi ako makahinga.


"And you know one of these days when I get my money right

Buy you everything and show you all the finer things in life

Will forever be enough? So there ain't no need to rush

But one day I won't be able to ask you loud enough..."


Inabot niya saakin yung bouquet at kahit na nagpapanic na ang utak at puso ko ay nagawa ko pa din yung kuhanin.


Gusto kong mag-salita, gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako kinakantahan ng 'Marry Me' pero bukod sa natatakot akong pag nag-salita ako ay baka maiyak ako, ayaw ko ding masira ang performance niya.


Nakatingin lang siya sa mga mata ko, and for a moment, parang kaming dalawa lang. Wala sila oppa. Wala sila unnie. Kami lang. Kaming dalawa lang.


"I'll say, 'Will you marry me?'

I swear that I will mean it

I'll say, 'Will you marry me?'"


He ended his song with a hum at sa ilang segundo ay binalot kami ng katahimikan.


He got down on one knee at hindi ko na napigilan ang pag-bagsak ng mga luha ko nang dahil sa halo-halong emosyon na bumabalot saakin.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon