//MAMA 2017
"SinB bilisan mo, mga daesang awards na, malay mo manalo tayo!" tawag sakin ni Yerin unnie at hinatak pa ako.
Kagagaling lang namin sa dressing room dahil kakatapos lang din namin mag-perform. Halos patapos na ang MAMA at sobrang pagod na kami.
"Medyo greedy lang, Yerin? Nanalo na nga tayo ng Best Female Group at Best Female Dance Performance eh, pati ba naman daesang hinahangad mo pa?" sambit ni Sowon unnie na nakarinig ng usapan.
Pinalo siya ni Yerin unnie sa braso, "Nakalimutan mo na ba?! Ili-lift na yung dating ban sa Source Music kapag nanalo tayo ng daesang!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, naalala ko nanaman. Ilang buwan na akong umaasa na sana manalo kami. Halos mahimatay na ako sa promotions at stages para ma-recognize, ito na lang ang hinihiling ko, na sana mag-pay off.
"Ah, shit. Oo nga pala noh... Pero na-nominate tayo sa Song of the Year at Album of the Year diba?" tanong niya nang maka-upo na kami sa table namin sa tabi ng Twice.
"Oo, buti nga eh. Pero na-nominate din naman tayo sa daesang sa MMA pero hindi naman tayo nanalo," naka-ngusong sabi pa niya.
"Syempre hakot YG nung MMA eh," bulong ni Sowon unnie.
Hindi na lang ako nag-salita dahil pinakita na yung mga nominees.
EXO, Blackpink, Red Velvet, Sistar, Taeyeon, GFriend at... BTS.
Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung gugustuhin kong manalo dahil nga sa reason na sinabi ni unnie, o kung gusto ko na lang ibigay sa ibang groups dahil sa tingin ko mas deserve nila.
Nag-on yung spotlight at pumasok yung isang host na si Kim Yoojung.
"Good evening everybody," naka-ngiting bati niya, "For the moment we've all been waiting for, the awarding of 2017 Song of the Year... Who do you think it will be?" tanong niya at kinuha yung envelope na naglalaman kung sino ang winner.
Nag-sigawan ang fans ng iba't ibang grupo, nadidinig ko din ang sigaw ng Buddies kasabay ng mga EXO-Ls, Onces, Blinks at iba pa. Sobrang nakaka-bingi dahil sa lakas ng cheer nila.
"I'll announce it now... This year's Song of the Year award goes to..."
Hinawakan ni Yerin unnie yung kamay ko at hinigpitan ko naman ang hawak ko dun. Yung puso ko, jusko. Kapag hindi kami nanalo dito, imposibleng mananalo pa kami sa Album of the Year dahil sa pagkakaalam ko nominee din dun yung mas malalaking groups.
AHHHHHHHHHHHHH LORD PLS
"Yeoja Chingu"
Pakiramdam ko nabingi ata ako dahil sa sigawan, hindi ko alam kung narinig ko ba ng tama yung sinabi nung host kaya hindi agad ako tumayo.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...