A/N: Sobrang daming reference nito sa Killing BTS na story ko pero I tried my best na i-explain ang mga pangyayari para ma-gets niyo kahit na hindi niyo binasa yung Killing BTS, ahehe.
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
SinB's POV
Talagang seryoso si oppa sa pag-punta namin ng Myeongdong kaya nung kinagabihan, bago mag-dinner ay nag-disguise kami at nag-paalam sa mga ka-members namin na aalis lang kami para mag-date.
"May shoot kayo?" tanong ni Sowon unnie habang nagsa-sandok.
Nagkatinginan kami ni oppa, patay kang bata ka. Medyo manhid din 'tong mga kamembers namin eh.
"Uhm, about doon... pwede ba namin kayong makausap?" sambit ko sakanila.
Sa tono pa lang ng boses ko ay agad silang natigilan. Pinatay ni Sowon unnie yung kalan at humarap samin habang halatang di mapakali.
"Jimin, V, tawagin niyo ang hyungs niyo. May paguusapan kamo," sabi ni Sowon unnie sa dalawa. Kumpleto na ang GFriend sa dining room kaya wala nang problema.
Isa-isang pumasok ang members ng Bangtan at nagsama sama sila, kasama sina unnie.
Kami naman ni oppa ay nasa harap nila habang magkahawak ang kamay.
"Ano yun? Anong meron?" tanong ni Suga hyung na parang kagigising lang.
Ah, shit. Hindi naman kasi namin pinlano 'toh, on the spot lang.
Okay, okay kaya niyo yan.
"Gusto lang namin sabihin sainyo, dahil kayo ang family namin dito..." panimula ko.
Tumingin sakin si oppa at tinanguan ko siya kaya siya na ang nagpatuloy, "Gusto namin kayong i-inform about sa nangyayari samin ni Eunbi... Mahal namin ang isa't isa. Like, totoong love, hindi yung acting lang sa harap ng mga camera," sambit niya.
"Hindi namin alam kung meron na sainyong nakapansin, pero yung iba alam ko na wala pa ding clue kaya naman gusto lang namin i-clear ang sitwasyon. And..."
"And gusto naming hingin ang blessing and approval niyo, dahil ang hirap itago ng relasyon namin sainyo. Atsaka isa pa, we will need your support sa mga susunod na araw," pagtatapos ni oppa.
Lahat sila naka-tingin lang samin. Yung mga members ng Bangtan ay parang bored na, samantalang sina unnie ay parang gulat na gulat.
"Kelan pa?" mahinang tanong ni Sowon unnie.
"Nagkaaminan kami nung kasal, pero may feelings na ako kay Eunbi before pa nun," sabi ni oppa habang naka-tingin sakin. "Likewise," sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...