Episode 28

310 22 17
                                    

Third Person's POV


Kahit na gulat na gulat pa din ang mag-asawa ay sumunod pa din sila sa sinabi ni Seongho na sumakay sa bangka para pumunta sa Bora-Bora.


Dalawang oras ang biyahe mula Tahiti pero kahit na gusto nilang matulog para palipasin ang oras ay hindi nila magawa.


Unang beses na makasakay si SinB sa bangka ng ganun katagal, kaya naman manghang mangha siya sa mga nakikita niya sa paligid niya. Totoo ngang sobrang postcard worthy ang French Polynesia, kahit na saan ka tumingin ay ang aliwalas ng paligid.


Naka-kapit si SinB sa gilid ng bangka habang nakatanaw sa may ilalim, kahit na hindi niya ganong maaninag ang mga lamangdagat sa ilalim dahil ang bilis ng takbo nila ay ayaw pa din niyang kumurap. Naka-kita na siya ng 13 na dolphins at iba't iba pang uri ng isda.


Tatlong bangka ang nirentahan nila dahil kasama nila ang mga staff ng WGM, si Jungkook ay tahimik lang na nakahawak sa bewang ni SinB para hindi mahulog ito. Hindi naman siya ganun kahilig mag-sight seeing sa ilalim ng dagat, mas gusto niyang lumangoy kaya naman kuntento na siyang panoodin si SinB.


"Baby, mag-ingat ka, baka tumaob ka diyan," sambit ni Jungkook at hinila ng konti si SinB paloob.


"Oppa naman, naka-life vest naman ako eh. Atsaka, hindi ba tayo pwedeng mag-swimming?" naka-pout na sagot ni SinB, agad na lumambot ang puso ni Jungkook dahil sa aegyo ng asawa.


"We'll do everything you want as soon as makarating tayo sa hotel, ne?" bawi ni Jungkook at inayos ang buhok ni SinB na nagulo dahil sa malakas na hangin.


Nang makarating sila sa island ay may agad na sumalubong sakanilang korean na lalaki na around mid 30s na naka-short at Hawaiian shirt at foreigner na babae na may dalang dalawang garland.


Bumaba sila mula sa bangka at hinarap ang dalawa.


"Annyeong haseyo, Seyoung imnida, I will be your guide and chaperone while you're here in Bora-Bora. This is Mylene, she will be your all-around personal assistant," pagpapakilala nung lalaki. Kumaway naman yung babae sakanila.


"Jeon Jungkook imnida" sambit ni Jungkook.


Magpapakilala na dapat si SinB nang maunahan siya ni Jungkook, "And this is my wife, Jeon SinB" sambit niya.


"It is nice meeting our newlyweds, shall we go to your hotel?" sagot ni Seyoung at nag-gesture sa isang black na van na gagamitin nila sa duration ng stay nila sa Bora-Bora.


Tumango ang dalawa at sumakay na sa may likod, naupo naman sa gitna sina Mylene at Seyoung.


Ang mga staffs naman ay nilagay na ang luggage nila sa trunk at umandar na ang sasakyan kasunod ang van para sa mga staff.


"You will be staying in the Four Seasons hotel at the House 411. Here are your keys," binigyan sila ng tig-isa na susi. "I will have a copy of the key as well as Mylene dahil siya ang magiging housekeeper niyo" sabi niya pa.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon