Jungkook's POV
"SinB ilang taon ka na ulit?" Tanong ni Hoseok hyung kay Eunbi.
"18 oppa" masayang sagot ni Eunbi.
Namumula pa din yung ilong niya at medyo mugto pa yung mata niya dahil nga sa iyak niya kanina.
Oo, pinlano talaga namin yun. Syempre ako ang nakaisip kasi diba matalino ako. Tapos nang-hingi na lang ako ng tulong sa Astro at dun sa mga staffs sa set.
Prank ba, hahahaha. Pero tangina pa din ni Rocky ha, tuwang tuwa siya nung kinausap ko grupo niya about doon.
Durugin ko mukha non eh.
So anyway, nandito kami sa isang restaurant na pina-reserve namin para nga kami lang ang tao.
Bangtan, GFriend at Astro ang nandito. Epal lang ng Astro eh, pero dahil tumulong naman sila kaya okay na din.
Kung totoong nangyari yung kanina siguro pinutol ko na kamay non ni Rocky tsaka binalibag ko na si MJ hyung.
"Ano SinB, na-surprise ka ba???" Excited na tanong ni Yerin noona.
Nag-pout naman si Eunbi, "Pwede niyo naman akong i-surprise ng hindi ganon eh. Nakakatakot kaya yung kanina"
"OO NGA. ANG INTENSE KAYA! ANG GALING UMARTE NG MGA TO! PAG NAG-AIR YUNG EPISODE MAY MAGCA-CAST SAINYO SA DRAMA FOR SURE, HAHAHAHA!" -yuju
"Mas intense yun kung sinapak ni Jungkook si Rocky at MJ" side comment naman ni Yoongi hyung kaya napatingin kami sakaniya.
Sana nga. Kaso masyado nang OA, nakakaawa naman kung mabasag ko pa mukha ng dalawang yan.
"Okay lang masapak! Sulit naman dahil sa picture, noh hyung?" Sabay siko ni Sanha kay Rocky.
Aba putangina talaga, sarap hilahin ng brace nitong batang to.
Napayuko naman si Eunbi dahil don.
Inangat ko yung ulo niya, "Hey birthday girl" sambit ko.
Namula naman siya at napaiwas ng tingin.
"Oh, respeto naman oh" -jimin hyung
WOW. KAMI BA NIRESPETO MO PAG NAGLALANDIAN KAYO NI KAREN NOONA??!?
Umirap na lang ako.
Nang i-serve ang pagkain ay kumain na lang kami, pagkatapos ay naisipan namin na pumunta na doon sa amusement park na pina-reserve din namin.
Oh diba? Syempre may pa-main event pa akong nalalaman, simula pa lang 'to ng birthday party ni Eunbi.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...