SinB's POV
*tok tok tok*
Nilingon ko yung pinto ng kwarto na kakabukas lang, pumasok si Sowon unnie sa loob.
"Tapos ka na mag-pack?" Tanong niya.
"Ne, unnie"
"Sure ka wala ka nang nakalimutan?" Paninigurado pa niya.
Inisip ko lahat ng dapat kong dalhin at yung mga ibang bagay na pinadala ng staffs.
"Ne"
"Arasseo, ito idagdag mo..." Lumapit siya sakin sa kama katabi ng maleta ko at may binigay na notebook. "Nag-sulat ako dito ng ilang mga recipe na madali lang, baka kasi kailanganin niyo bigla mag-luto, kaya dalhin mo 'to, kapag may di ka maintindihan or may tanong ka, i-text or tawagan mo ako" napangiti ako at tinanggap yung notebook.
"Ito naman, pinapahiram ni Yerin," sabay abot ng polaroid na camera, "Ito pinag-ambagan ni Eunha at Umji" tapos may limang pack ng films.
"Waah, jinjja?" Gulat na sabi ko at tinanggap yun.
"Ne, kaya make sure na kumuha ng madaming pictures at iuwi niyo dito"
"Arasseo"
"Tapos si Yuju naman nag-grocery ng snacks niyo para sa train ride, matagal daw kasi ata yun, nag-luto na din ako ng lunch and dinner niyo don, just in case" paalala niya pa.
"Woah, jinjja kamsahamnida unnie"
"Wala yun, basta mag-pakasaya lang kayo ni Jungkook sa Jeju, ha?"
"Oo naman, unnie. Babalitaan ko kayo palagi"
"Dapat lang, o siya, mag-bihis ka na tapos punta ka na ng sala, gumagayak na din ata si Jungkook"
Sa pag-sambit pa lang ng pangalan niya automatic na bumibilis yung tibok ng puso ko.
"N-Ne unnie" sabi ko at pumasok na sa walk in closet para mag-palit ng damit.
Naka-platform shoes ako tapos denim na skinny jeans, black na hoodie tapos shades.
Oha, pang-airport fashion, kaso di kami sa airport pupunta, sa train station, hahahaha.
Kinuha ko yung maleta ko na kakatapos ko lang i-final check tapos hinila ko na papunta sa living room kung nasaan sina unnie.
"Oh, SinB, ito oh" bati ni Yuju unnie at abot sakin ng malaking lunch bag, as in malaki talaga.
"Jinjja gomabda unnideul" sabi ko tapos nag-slight bow. Pinatong ko yung lunch bag sa taas ng maleta ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/81924119-288-k949687.jpg)
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...