SinB's POV
"Okay, ito ang plano," bulong niya sakin at nakinig naman ako ng mabuti.
Sinabi niya saakin yung plano niya, and after that, nag-ayos na kami para makaalis. Hindi na kami nag-bother na mag 'break up' para may maipalabas sila sa show. Screw the show, right?
Hawak kamay kaming lumabas ng dance practice room at agad na sinalubong ng cameras and staffs.
Hindi namin sila pinansin, nag-lakad kami papunta sa elevator, sinundan kami ng cameramen, akala siguro nila may iba kaming plano sa break up scene.
Pag-dating sa ground floor, nag-lakad kami palabas ng building.
Once we're on even ground, we ran.
I've never ran this fast in my life, kahit pa nung nagpa-practice kami para sa relay race ng ISAC. This is different.
I am running for us. We are running for us.
Tumakbo kami ng mabilis at dahil mabigat ang cameras na dala nila, hindi sila agad naka-habol.
Dali-dali kaming lumabas ng gate at tumakbo sa may side kung saan may mga sasakyan na naka-park.
Oppa took something out of his pocket and pressed, something beeped and oppa made me stop sa tabi ng isang sasakyan na black at heavily tinted.
Pinag-buksan niya ako ng pinto at bago pa man ako maka-pasok ay umikot na siya papuntang driver's seat.
Agad niyang in-on ang makina and backed out kahit na hindi pa ako nakakasuot ng seatbelt, sign lang na talagang nagmamadali siya. I didn't mind, the sooner we got out of here, the better.
Nang nasa right lane na kami, he stepped on the accelerator at napasandal ako sa upuan nang dahil sa force.
"Teka oppa, where are we going?" tanong ko.
Nakikita kong sobrang higpit ng pagka-hawak niya sa steering wheel, at naka-tingin lang sa daan.
Pagka-liko namin sa mas maluwag na daan, mas lalo pa siyang bumilis.
"Everywhere. Anywhere," he answered.
Medyo bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa bilis ng pagda-drive niya. Alam ko namang hindi niya hahayaan na may mangyari saamin, pero...
"Teka oppa, wala kang lisensya diba? Hindi tayo pwedeng lumayo! Baka mahuli ka!" malaking matang sabi ko. "Stop the car, oppa! Mag-lakad na lang tayo or tumakbo, we'll hide!"
He just licked his lips at dinukot sa bulsa ng pantalon niya ang wallet niya, "I'm prepared."

BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...