SinB's POV
"Unnie, sige na kasi, gustong gusto ko nuuun," nakaupo ako sa may counter sa kusina habang nagluluto si Sowon unnie ng hapunan namin.
Dumalaw siya dito para kamustahin kami at ngayon ginugulo ko na siya.
"SinB tigilan mo na nga, yang mga weird cravings mo talaga eh, hindi ko alam kung matatawa ako o ano," sabi niya at umiling, "Hintayin mo na lang si Jungkook, pauwi na yun at panigurado dala nun lahat ng pinabili mo."
"Kasama ba niya yung kambal?"
"Nasa living room sina Minnie at Minah, nagsa-sayaw," sabi niya habang di ako tinitignan.
"Ah, oo nga pala," napakamot naman ako sa ulo ko at hinawakan ang maliit na umbok sa tiyan ko. "Baby, bakit mo gusto ng ketchup flavored bingsu? Bakit???? Bakit mo pinapasa sakin yang craving na yan, bakit feeling ko ang sarap sarap ng bingsu with banana ketchup, why baby, why?"
Tinignan lang ako ni unnie na parang nababaliw na ako. Sanay na yan siguro, nung buntis ako sa kambal ganito din ako, mas malala pa nga ata.
Nadinig ko namang dumating na si Jungkook dahil sumigaw na si Minnie at Minah bilang pag-bati at tumakbo para salubungin ang appa nila.
Oh diba, di na kailangan ng door bell eh.
Pumunta si Jungkook sa kusina na may dalang mga paper bags at plastic ng iba-iba.
"Yeobo..." tawag ko sakaniya habang nakasimangot.
Nag-lakad siya palapit sakin habang yung kambal eh naghahanap na ng pasalubong mula sa mga plastic na dala niya.
"Ne, yeobo?" tanong niya at lumapit sakin saka ako hinalikan sa pisngi. Inintertwine niya ang kamay niya sa likod ko at tinignan ako sa mata.
"Gusto ko ng bingsu na may ketchup. Banana ketchup," nakasimangot na sabi ko.
Mukha naman siyang nagulat pero ngumiti siya ng pilit, "Bingsu... in winter... with banana ketchup?" mabagal na tanong niya sakin.
Agad akong tumango.
"Err, wala akong bingsu na dala pero may ice cream diyan na iba't ibang flavor. Pwede bang yun na lang, or bingsu talaga gusto mo? May banana ketchup na din akong binili, nung buntis ka sa kambal gusto mo din yun pero with california maki naman," sambit niya.
Agad naman akong naawa sa asawa ko, kaninang umaga pa siya umalis para bilhin lahat ng nilista ko na gusto kong kainin. Karamihan dun puro weird at exotic at hindi madaling hanapin kaya alam kong nahirapan siya. Tapos ngayon na ang dami dami niyang binili iba nanaman yung gusto ko.
Pero gusto ko talaga ng bingsu.
"Can you buy bingsu for me?" naka-pout na tanong ko.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...