SinB's POV
Magte-10PM na nang makauwi kami. Natuwa kasi kami masyado doon sa photobooth at napadaan pa sa ibang stores kaya medyo natagalan kami.
Pag-kauwi namin, naabutan namin sina oppa na nasa living room.
"Annyeong oppa, sina unnie?" Tanong ko.
Hindi sila sumagot, imbis ay bumaba ang tingin nila mula sa mukha namin ni oppa pababa sa magkahawak naming kamay.
"Wow, hokage ka talaga Jungkook ah. Nag-tweet ka lang may holding hands portion na" -jimin oppa
"Tulog na mga unnie mo, dear" sagot ni Jin hyung habang nag-babasa ng magazine.
"Oppa anong tweet?" Tanong ko.
"Uhm, wala yun, tara na sa kwarto para makapahinga"
Iniwan na namin sila oppa doon sa living room, buti hindi na nila kami inasar pa.
"Sino mauna?" Tanong ni oppa habang nagta-tanggal ng sapatos.
"Mauna ka na, magta-tanggal lang ako ng make up" sabi ko at umupo sa harap ng vanity mirror.
Nag-nod siya at kumuha ng mga damit sa walk in closet tapos pumasok na sa banyo.
Kinuha ko naman yung sapatos niya at nilagay yun sa closet tapos nilagay ko sa laundry basket yung sweater na hinubad niya.
Parang ahas yun, kung saan niya hinubad, doon niya din iiwan.
Pagkatapos kong magtanggal ng make-up ay hindi pa din tapos si oppa kaya napag-pasyahan kong mag-check ng twitter.
Tinignan ko yung profile ng BTS.
I'm married to a gorgeous and perfect girl, Hwang Eunbi. No one is allowed to say something bad to her except those who really know who she is. Please respect my beautiful wife and please let her and me have a good time. ARMYs saranghaeyo~♥
Tapos yung selca namin na naka-beanie kami ng red. Naka-nguso siya tapos ako naka-ngiti lang. Infairness, ang ganda ko dun ah.
I smiled, so kaya pala nawala yung crowd. Because of him.
Ngayon ko lang napansin na may mga missed texts pala ako galing kila unnie.
From: Sowon unnie ❤
Trending nanaman kayo ng asawa mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/81924119-288-k949687.jpg)
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...