Jungkook's POV
Alam ko, alam ko.
Alam ko kung gaano ako katarantado para iwan nang ganon si Eunbi. Pero nasaktan ako nun, hindi ko alam ang gagawin ko, ang sasabihin ko, kaya nag-walk out ako. Dumagdag pa yuny fact na nakainom ako kaya medyo wala ako sa katinuan.
Pumunta ako sa bahay ni manager hyung, doon muna ako nag-stay ng tatlong araw at wala akong kinontact sa bahay kahit sina Jin hyung. Si manager oppa lang ang may alam ng lahat ng ginagawa ko, yung pagrecord ng kanta, pag-iisip ng marriage vow na hindi ko naman nagamit dahil noong nasa harap ko na si Eunbi ay nakalimutan ko na lahat ng minemorize ko at sinabi ko na lang ang pumapasok sa isip ko.
Pilit kong sinasabi na kaya hindi ako nagsasabi sakanila ay para may surprise effect pero sa totoo lang ay naduduwag lang talaga ako.
Because bro, you don't leave your wife at home and don't come back. Wag na wag mong gagawin yan unless gusto mong karnehin ka ng mga kaibigan niya.
Pero may reason naman ako kung bakit ako umalis. Nang sabihin niya sakin yun sa balcony, ang nag-process lang saakin ay yung part na, "Ayaw na kitang makita pa ulit."
Yun lang, paulit ulit, naka-repeat kahit pa natutulog ako. Hanggang sa pinilit ko yung sarili ko na i-replay ang buong conversation namin at doon lang nag-sink in lahat ng sinabi ni Eunbi.
She loves me.
And you know what? I love her. Matagal tagal na din. I think bago pa kami napunta ng Jeju mahal ko na siya. Indenial nga lang ako.
Screw the contract. Screw the show. Screw everyone that will try to keep us apart.
"HOY JEON JUNGKOOOOK!!!" napalingon kaming lahat sa stage nang may sumigaw.
Si Yerin noona. Holy shit, beastmode na siya. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Lahat ng tao na nasa hotel na ni-rent para sa reception ay nag-abang sa susunod na sasabihin ni Yerin noona.
Napahigpit yung hawak ni Eunbi sa kamay ko, imbis na matakot ako ay napangiti pa ako nang makita yung magkatabi naming kamay na parehas may suot na wedding ring.
"HOY ILONG!" lumingon ako kay Yerin noona. Naka-turo siya saakin pero medyo gumegewang gewang na. Naka-dami siguro ng wine to.
"Wag na wag mong sasaktan si SinB dahil nakikita mo 'to?" pinakita niya sakin ang kamao niya.
Nag-nod ako.
"Ipapasok ko to sa ngalangala mo hanggang sa utak mo kapag sinaktan mo si SinB. Isang luha, kahit isang luha lang na pumatak galing sa mata ni SinB nang dahil sa kalungkutan, I will find you, and I will kill you" pinandilatan niya ako ng mata.
Napalunok ako habang pinapanood na tulungan nina hyung si Yerin noona na maupo ulit.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...