Jungkook's POV
//Pagkaalis ni SinB
"Jungkook, mag-ayos ka na din para makaalis na tayo," sabi ni manager hyung at umupo sa tabi ko.
"San punta?" tanong ko.
"Tapon basura"
"Sige, tatapon ko CEO nila Eunbi," bitter na sagot ko. Ngayon naiintindihan ko na kung saan galing ang ka-bitteran ni Suga hyung.
"Hay nako, Jeon. Sige na, tumayo ka na diyan," tumayo na din siya kaya pinunasan ko na ang mukha ko at huminga ng malalim.
Kaya ni Eunbi yun, siya pa? Tama, tama, magtitiwala na lang ako sa asawa ko.
Lumabas kami ng building ng MBC at si hyung ang nag-drive ng dinala kong sasakyan kanina. Hindi na nga niya ako pinagalitan sa pagda-drive ko eh, mukhang alam din niyang wala ako sa mood na mapagalitan nang dahil lang don.
"Hyung saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa bahay niyo," sagot niya habang nakatutok sa daan.
"Sa bahay namin??? Ni Eunbi?" kunot-noong tanong ko, tumango lang siya.
"Okay..." sagot ko na lang. Sabi ko nga naman kanina hihintayin ko sa bahay si Eunbi, nag-taka pa ako eh noh?
Pag-dating namin sa bahay, pumasok na ako pero ang pinag-taka ko ay sumunod saakin si manager. Dati naman hindi yan pumapasok dito eh.
"May kailangan ka, hyung?" tanong ko sakaniya at nagdire-diretso sa living room namin.
Gising na lahat ng members namin at mukhang nag-aalala.
"Ayan na si Jungkook" -jimin hyung
Agad silang nag-lingunan sakin.
"Asaan si SinB?" -sowon noona
"Bakit ba hindi kayo sumasagot ng tawag o nagre-reply?" -namjoon hyung
Hinintay ko munang manahimik silang lahat bago ako sumagot.
"Alam niyo na ba ang nangyari?" mahinang tanong ko.
Nagkatinginan silang lahat at unti-unting tumango. Nag-buntong hininga ako at pinasadahan ng kamay ang buhok ko, "Nasa Source Music si Eunbi, kinakausap ng CEO niyo," sambit ko sa GFriend.
Nanlaki ang mga mata nila at napa-facepalm, "Bakit daw?" tanong ni Yuju.
Binuka ko ang bibig ko para mag-explain pero walang lumabas na tunog, hindi ko kayang sabihin dahil kapag sinabi ko parang tinatanggap ko na din ang pagkatalo namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/81924119-288-k949687.jpg)
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...