Episode 35

273 19 11
                                    

A/N: Ngayon pa lang magso-sorry na ako, jeongmal mianhaeeeeee~~


xxx-xxx-xxx-xxx-xxx


Jungkook's POV


Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap, pakiramdam ko namatay yung puso ko nang dahil sa narinig ko.


Nandito pa din kami sa meeting room ng WGM, maski si Eunbi hindi nag-sasalita sa tabi ko. Umalis na si Seongho oppa at naiwan na lang kaming apat dito, hindi din nag-sasalita yung dalawang manager.


Kahit na ayaw kong nakikitang umiiyak si Eunbi, ngayon wala akong magawa. Baka kapag sinubukan ko siyang patigilan pati ako maiyak.


"Hyung..." tawag ko kaya napatingin sakin si manager hyung.


"Hyung hindi naman namin sinasadya, hindi ba pwedeng mag-publish ng article na aksidente lang yun? Na inutusan lang kaming dalawa o di kaya dinare ng mga members namin?" mahinang sambit ko.


Umiling lang si hyung at may inabot sa ilalim ng table, more printed aticles, pero yung mga picture hindi lang yung mga galing sa Myeongdong. Merong galing sa gala namin kahapon sa Han River, tapos meron din yung mga dati pa na sinasabi ng members namin na sweet kami sa isa't isa kahit walang cameras.


Nagsilabasan ang mga ebidensya, lumabas ang katotohanan na totoong mahal namin ni Eunbi ang isa't isa to the point na hindi na kayang pag-takpan.


"Wag muna kayong magbubukas ng kahit na anong social media, hindi namin ma-control ang mga bashers kaya para maiwasan na masaktan kayo wag na muna kayong magbubukas," sambit ng manager ng GFriend.


Napayuko na lang ako at napahilamos sa mukha ko. Napaka-tanga ko, napaka-careless dahil bakit hindi ko manlang naisip 'toh? Hindi ko pinlano ng maayos, masyado akong nabulag ng saya.


"A-Anong reaction ng mga SinKook shipper?" tanong ni Eunbi habang sumisinghot pa.


Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at binigay sakaniya.


"So far wala kaming makitang positive feedbacks dito eh, natabunan lahat ng ARMYs, lalo na ng mga Jungkook biased, at ikaw ang target nila SinB," sambit ng manager nila.


Nag-buntong hininga si Eunbi at napa-iling.


"Hyung hindi ko ma-gets kung bakit kailangan naming mag-hiwalay ni Eunbi eh," pinilit kong maging kalmado para naman makaisip kami ng solusyon sa sitwasyon namin ngayon.


Napatingin sakin si Eunbi at mukhang naghihintay din sa sagot nung dalawang manager, si manager hyung ko ang sumagot.


"Bukod sa obvious na reason na may dating ban si SinB at kapag hindi kayo nag-hiwalay ay ide-demanda siya ng Source Music? Isa pang dahilan yung pagtutulungan siya ng lahat ng fans mo, aware ka naman na sobrang dami ng fans mo, right? Gusto mo ba talagang magpaka-selfish, na hindi mo hihiwalayan si SinB pero ang kapalit nun ay minu-minuto siyang makakatanggap ng hate sa buong buhay niya? It's not possible, Jungkook," page-explain ni manager hyung.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon