SinB's POV
//After a few days...
Natapos na namin finally ang shoot namin sa web drama. Sobrang igsi lang ng screen time namin doon, medyo natagalan lang yung pagpapractice namin sa kanta since kailangan ma-perfect namin yun.
Naging okay din naman yung scene ni Umji at Rocky.
Ngayon totoong pahinga na kami ng GFriend at sina oppa naman yung magshu-shoot para sa mga short films nila.
Ngayong araw nga na 'to ay si Jungkook oppa mismo ang nagshu-shoot at pupuntahan ko siya sa set ngayon para dalhan ng lunch. Kaninang madaling araw pa yun nagshu-shoot eh.
Nasa kwarto ako at nag-aayos ng buhok nang biglang bumukas ang pinto.
"Saengil chukha hamnida~ saengil chukha hamnidaaa~"
Napanganga ako bigla nang makita sila unnie na may dalang cake at kumakanta.
Wtf?? June 3 na ba?!?!?
"Saranghaneun uri SinB~~ Saengil chukha hamnidaaaaa~~" nilahad ni Sowon unnie saakin ang cake.
Pumikit ako saka ako nag-wish tapos hinipan ko yung candles.
Pumalakpak sina unnie.
"Nakalimutan mo nanamang birthday mo noh?" -eunha unnie
"Oo, akala ko hindi pa June"
"Pabo SinB" -yerin unnie
"Anong balak mo ngayong birthday mo?" Tanong ni Yuju unnie.
"Hindi ko alam unnie. Wala akong plano, hindi ko alam na ngayon pala. Pupunta ako kay oppa ngayon sa set. Dinner na lang tayo later?"
"Sige, dito na lang sa bahay? Para hindi hassle, di natin kailangan mag-disguise. Isama na din natin Bangtan" sambit ni Sowon unnie.
Nag-agree kaming lahat kaya umalis na ako at pumunta dun sa shooting place ni oppa.
Nasa may malaking building sila kung saan naka-set up yung parang kwarto na chenes.
Ongoing yung shoot kaya nanood lang ako sa may bandang likod habang dala-dala yung lunch bag.
Nang mag-announce ng 10 minutes break yung director, agad na nag-punta yung staffs kay oppa at ni-retouch siya tapos may biglang bumulong sakaniya na babae at tinuro ako.
Napatingin siya sakin at agad na napa-ngiti.
Pinatigil niya yung mga nagre-retouch sakaniya at mabilis na nag-lakad papunta saakin.
"Eunbi-ah~~" tawag niya sakin habang naka-ngiti.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...