Episode 34

312 17 2
                                    

SinB's POV

//Three days later


May mga araw na hindi mo inaasahang magiging memorable pala. Yung tipong akala mo normal na araw lang tapos biglang may mangyayaring hindi mo inaasahan.


Pero may mga araw na hindi ka pa nagmumulat ng mata alam mo nang may mali, alam mo nang may nangyaring hindi dapat mangyari.


Naka-higa ako sa kama at agad kong na-realize na wala si oppa sa tabi ko, nadinig ko siyang nagpapalakad lakad sa kwarto namin.


Hindi ko pa din minulat ang mata ko at pinakiramdaman lang ang nangyayari at kung bakit may kung anong kilabot sa puso ko na para bang may naghihintay na huminto yun sa pag-tibok.


"Hyung... Hindi naman kasi---kaya naman namin mag-explain... Sorry po..." sambit ni oppa, mukhang may kausap sa cellphone. Hindi pa din siya tumitigil sa pagpapalakad lakad niya kaya siguro may masamang nangyari.


Sa ilang buwan na pag-tira namin ni oppa sa iisang bahay, alam ko nang palagi siyang kalmado kahit na sa mga shocking na sitwasyon, pero pag nag-simula na siyang mag-pace ng pabalik balik, ibig sabihin malala na ang nangyari.


Napagpasyahan kong gumising na para makausap si oppa.


Minulat ko ang mata ko at nakitang madilim pa ang paligid, madaling araw pa lang siguro.


Pinasadahan ko ng kamay ang buhok kong magulo kaya napatingin sakin si oppa.


Naka-pajama siya ng white at bathrobe na naka-bukas kaya kita ang konting chest niya pati abs at belly button.


Magulo ang buhok niya dahil na din sa kaka-sabunot niya sa sarili niya, at tama nga ako, may kausap siya sa cellphone.


"Wae?" I mouthed.


Umiling lang siya sa direksyon ko at nag-signal na sandali lang saka siya nag-lakad palabas ng balcony.


Ano kayang problema?


Kinuha ko ang cellphone ko sa bed side table para tignan ang oras. Nakita kong 4:16AM pa lang at meron akong 37 missed calls at 24 new messages.


Napakunot noo agad ako. Ano bang meron? Connected ba 'to sa pinagkakaabalahan ni oppa?


In-unlock ko ang phone ko saktong pag-bukas ng balcony at pasok ni oppa sa kwarto.


"Oppa, may problema?" mahinang tanong ko dahil nase-sense ko na agad ang dark aura niya na lumalabas lang pag hindi na maganda ang nafi-feel niya.


"Get dressed, alis tayo ng 4:30. Meet me sa living room, arasseo?" mabilis at tahimik na sabi niya at hinalikan ang noo ko saka dali-daling kumuha ng mga damit sa walk-in closet at tumakbo palabas. "Eunbi, 4:30 okay?" pahabol niya pa saka tuluyang sinarado ang pinto.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon