Episode 22

384 24 35
                                    

SinB's POV


//A week later


"Ano ba yan, puputok na sayo yan eh"


"Mukha kang buntis diyan"


"Mukha ka namang poste"


"Ohmygod ano yan, mukha kang lobo"


I drew an exasperated sigh at sumalampak doon sa may elevated platform habang suot suot pa ang huling wedding gown na sinukat ko.


"Grabe ka naman Sowon unnie, maganda naman lahat eh" pagod na sabi ko.


Nagsusukat ako ngayon ng mga wedding gown, at mukhang nag-kamali ata ako na si Sowon unnie pa ang sinama ko.


"Oo, maganda sila SinB, pero you need the perfect gown! Kasal mo 'to! I would not accept anything less. Pasok doon, isukat mo na yung kasunod" utos niya saakin.


Halatang naiinis na din siya dahil nakaka-limang daang gown na ata ako pero hindi pa din siya makahanap ng papasa sa standards niya.


"Unnieeeee---" magrereklamo pa sana ako kaso sinamaan niya na ako ng tingin kaya tinulungan ako nung mga staff dito para tumayo at pumasok ulit sa dressing room.


Nasa pinaka-sikat na wedding gown shop kami sa Gangnam. It's been a hell of a week, puro preparation lang ang ginawa namin para sa upcoming wedding.


Pagod na pagod na ako, nag-titikim ng cake, wine, ulam, tubig, kanin at lahat na ata ng pwedeng ipatikim saakin. Nag-hanap ng available church na papayag mag-shoot, nag-hanap ng 'priest' kuno na magkakasal saamin, nag-lista ng mga taong i-invite namin, gumawa ng invitation, nag-send ng invitation.


Sobrang nakaka-stress naman pala mag-plano ng kasal, parang gusto ko na tuloy mag-back out.


Mabuti na lang din at tapos na mga schedule namin at dito lang kami nakatutok. Malapit naman na din matapos yung Bangtan mag-shoot ng last na short film nila.


Pagkaraan ng mga benteng gown pa, finally mukhang nahanap ko na ang perfect gown for my wedding.


Ni hindi ko na nga alam kung ano yung mga sinusuot saakin ng staff dahil sa sobrang pagod ko pero nang lumabas ako at humarap kay Sowon unnie ay agad kong nakita yung pagbabago ng expression niya.


Hindi pagkairita, o pandidiri o panlalait. Kundi amazement at shock at unti-unting ngumiti.


"Sabi sayo mahahanap din natin ang gown for you. That's it" naka-ngiting sabi niya na para bang hindi siya lumait ng mahigit isang daan na gown.


Saka lang ako tumingin sa malaking salamin sa likod ko at nagulat ako sa nakita ko.


Color white siya na ball gown, para siyang tube although may long sleeves siya na off shoulder at see through na may mga kung anu anong laces. Pati ang likod ay see through din, lalo pa't nilagay nung mga staff ang buhok ko into a bun.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon