SinB's POV
Pakiramdam ko kakapikit ko pa lang ay ginising na agad ako ni Sowon unnie para sa honeymoon trip namin. Ang aga aga pa pero sabi nila kailangan naming umalis agad dahil medyo malayo yung pupuntahan namin.
Hindi pa din nila saakin sinasabi kung saan ba yun. Pinaligo nila ako at pinakain, habang kumakain ako ay may nag-doorbell sa hotel room namin.
GFriend unnies lang nga pala ang gising, ang APink at Red Velvet ay malamang tulog pa dahil halos kakatulog nga lang namin. Napuyat kami nang dahil sa shoot.
"Yuju, paki-buksan nga, si Jungkook na siguro yan," utos ni Sowon unnie habang hila-hila yung maleta ko ata. Antok namang tumango si Yuju unnie at pumunta sa pinto para buksan yun.
"Unnie, ang laki na naman niyan, san ba kasi kami pupunta?" tanong ko dahil pakiramdam ko sobrang bigat ng maleta kong dala-dala niya.
"Hay nako SinB, pang-436 times mo pa lang namang tinanong yan sakin. Secret nga kasi, mag-tiwala ka lang samin," sabi niya at nilagay sa tabi ko ang maleta.
Bumalik si Yuju unnie sa dining room na parang wala pa sa wisyo, nasa likod niya naman si Jungkook oppa na malawak ang ngiti.
"Good morning," masayang bati niya saakin.
Automatic naman akong napa-ngiti.
"Good morning din," bati ko sakaniya.
"Wow, ang aga aga ang sweet sweet niyo. SinB dalian mo nang kumain para makaalis na kayo ni Jungkook, matagal tagal ang flight niyo," sambit ni Sowon unnie.
"Mas matagal pa kesa sa Jeju?" tanong ko.
"Hmmm... mga kasing-tagal ng Jeju," sabay ngumiti siya ng pilya at kinindatan ako tapos hinila na si Yuju unnie paalis ng dining room para iwan kami ni oppa.
Umupo si Jungkook sa harap ko habang naka-ngiti pa din.
"Sinabi ba sayo nila oppa kung saan tayo pupunta?" tanong ko, sobrang nacu-curious talaga ako.
Sumimangot siya at umiling, "Pero kung sabi ni Sowon noona ay kasing-tagal ng sa Jeju ang byahe natin, at sinabi niya ding 'flight' ibig sabihin sobrang layo nun. Eroplano na pero 13 hours pa din?"
Napa-nganga naman ako nang ma-realize ko ang sinabi niya, "Heol. Saang bansa ba nila tayo papupuntahin?" kunot-noong tanong ko.
"Nevermind, as long as mag-kasama tayo kahit sa North Korea pa tayo pumunta," malokong sambit niya.
"Yah! Wag ka ngang ganyan, baka bigla magka-totoo eh, ayoko pang mamatay noh," tapos pinalo ko siya sa braso, "By the way, kumain ka na ba?" tanong ko.
Umiling lang siya kaya naman sinubuan ko siya ng kinakain kong breakfast.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...