CHAPTER 3

5.5K 91 0
                                    



Tamie's POV

Napakabilis ng mga panahon. It's just a week before our play and we are currently having our final things. Like finalization of back drops, props, lines, position, rehearsals and many more. Jampacked nga tong huling week na to.

Right now eh galing ako sa Office of Students' Affairs para kunin yung mga keys ng covered gymnasium. Dito kasi namin gagawin yung rehearsals for final week.

"Grabe friend, kinakabahan ako. Malapit na ang play natin. Sayang nga lang at hindi tayo makakanuod ng laro ng St. Yves' Blue Whales sa University Cup. Tsss." Fere

"So what? Alam mo saten ikaw lang ang excited." Ako

"Nyak. Syempre, maboys dun eh. Umuulan ng mga Adonis. Ay nako, as if naman na wa ka care eh last time na pumunta tayo sa cup eh andami mo nabingwit dun eh tsaka dun mo din naging boyfriend yung Aldrin diba? Yung super hunk na player ng Tapu?" Fere

"Yeah. At hindi na ako babalik pa dun. Ayoko na." Ako

"Talaga lang ha?" Fere

Ang kulit talaga ni Fere. Well, sya din kase yung lagi kong nakakasama sa pag boboyhunting. Pareho kami ng hilig nyan eh. Manglalake. Haha.

"Hey Gen, eto na yung keys. Ikaw na muna bahala ha? May kukunin lang ako sa kotse ko." Inabot ko na lang muna kay Gen yung susi sa gym para makapunta na ako sa carpark at makapagready na sila.

Naglalandian pa kami ni Fere while walking nung mapansin naming may kaaway si Gen na matatangkad na halimaw.

"Anu ba! Kami nga sabi ang nagpareserve nito eh!" Gen

"Mas kailangan namin to!" Varsity 1

Agad naman akong lumapit sa kanila. Gen seldom gets angry at ngayon ko lang sya narinig magtaas ng boses .

"Hey, what's going on here?" Ako

"Tamie! Tulungan mo nga kami dito, sabi kasi nila hindi raw naten pwedeng gamitin ang gym. And they drag us out!" Gen

"Hey! Sino may sabi ha? Excuse me, kami ang nagpareserve nyan. I myself. And I got the keys." Ako

"Miss Beautiful, utos lang to ni vice cap eh. Wala kaming magagawa." Varsity 2

"Oonga miss, mapapgalitan kami eh." Varsity 3

Mga lima silang lalaking nakaharang dito sa entrance ng gym na parang guardiya habang naririnig ko yung mga nagpapractice sa loob.

"So? Ang rule dito kung sino nagpareserve sya ang gagamit. We reserved this for this week! We even payed for this." Ako

"Eh Miss, hindi talaga pwede. Sabi ni vice cap, wag daw namin kayong papasukin eh." Varsity 4

Nagiinit na talaga ang ulo ko kase nagaaway away na kami dito. Sila Gen at Fere at iba pang PAC members nga hinahampas na ang bags nila dun sa mga nagbabantay. Sobra kaseng importante sa amin nung play. Kung baga sa kanilang varsity, championships din namin yun. Magulo na talaga sa labas kase nakikipagaway na yung PAC members na naghahabol din ng time para matapos yung ginagawa nila.

"Tabi!!!!!!!!!" Sigaw ko pero hindi natinag yung mga lalaki.

Nagpumilit akong pumasok. Haharangan sana ako nung isang varsity pero

"Touch me and you're dead. Asan yung pinagmamalaki mong vice captain nyo na nagutos nito?" Ako sabay tingin ng masama sa lalaking nakasaunod sa akin.

"Eh kase—"

"Ituturo mo ba? O pupugutan kita ng ulo right at this very place?" Ako

"Yung nakablue na shirt and black shorts." Yung lalaki.

A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon