Tamie's POV
Today is my wedding day. So far so good naman. 2 pm na at kanina pa akong inaayusan dito. 3:30pm ang kasal namin. Well, kinakabahan ako. Hindi ko kase alam ang dapat na feeling ko. Ganito ba lahat ng kinakasal? I guess not, madalas sa kinakasal eh masaya, contented, fulfilled at inlove. Iilan lang ang kagaya kong almost no choice.
**knock knock**
Pumasok si Mommy.
"Wow, ang ganda ng baby girl ko." Mommy
"Thanks Mom. Kamukha kita no? Yun sa wedding picture nyo ni Dad." Ako
"Oo anak. Ganang ganan din ako." Mommy
I just smiled. Eto na yun eh.
"Anak, whatever happens, kami pa rin ang magulang mo. And always remember that we love you so much." Mommy
"I love you too Mom. Thank You for everything." Ako
"Oh, nagdadrama na agad kayo? Tara na. It's almost time." Dad "But before that, Can I hug my baby?"
I nod then he hugged me tight. "God! Hindi ko pa ata kayang ibigay ka. Hindi kita nakasama ng matagal. Pwede bang bawiin na agad kita?" Dad
"Di na pwede Dad. Touch move." Ako
And then we laugh. Haii, sandali na lang ikakasal na ako. This is definitely NOT my dream wedding. I want a wedding in the city where everyone can witness our exchange of I do's, where everybody can hear our vows from the heart and see how we love each other. Pero if I pursue that, that will be nonsense since the very basic is missing. We don't have love. Ako tanggap ko na ang kapalaran ko, willing naman ako magkaroon ng pamilya sa kung kanino man eh, willing akong maging mabuting asawa yun ay kung willing din yung magiging asawa ko. Ang hirap naman ng one sided lang diba? Anyway, enough of drama. Andito na ako sa simbahan. Remember, A bitch doesn't care.
Sabi nila lahat daw ng kasalan ay may parang magic. May spark at napakamomentous. Etong kasal ko? Isang event lang na kailangang pagdaanan. Gusto ko mang pahalagahan eh wag na lang. Masasaktan lang ako. Siguro nga sa groom ko, mas importante pa ang basketball league kesa sa kasal na ito. Kailangan ko na sigurong iready ang balde balde kong anesthesia para mamanhid.
As I walk down the aisle, hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Naisip ko lang ang pangarap kong makasal sa taong mahal ako at mahal ko. I bet it will be a dream and always will be. Kitang kita sa mukha ni Zeke na hindi nya gusto. Na napipilitan lang sya. At dahil dito, lalo akong naiyak. Gusto ko nang umatras pero hindi pwede, para kina Mama at Papa.
Hindi ko namalayang andun na pala ako sa altar. Now my Dad is giving my hand to Zeke. Eto na talaga to.
"Please do take care of my daughter." Dad
"I will Sir." I don't expect him to answer pero natuwa ako.I kissed my parents then Zeke's parents then we go to the altar.
Zeke's gorgeous in his three piece gray suit. Sa tingin ko, hindi na ako lugi kung sya man ang maging asawa ko. He was everybody's dream guy. Hindi lang talaga maganda ang first encounter namin but nevertheless it won't make me any less for a bride. Kung titingnan kami ng mga tao ngayon, iisipin nilang nabuntis ako dahil ang aga naming magpakasal. Pero wala silang aasahang bata sa loob ng 9 months dahil never pa naman ako nagagalaw.
a/n: TAMIE ON HER WEDDING DRESS
Halos natapos na lang yung ceremony ng kasal namin na memorized lang naming lahat. Minsan pa nga ginaguide kami ng pari sa sasabihin namin. Scripted kung baga.Past 5 pm nung matapos ang wedding ceremony. Andun ang aming 50 guests. Malungkot ako kasi kulang ang mga kaibigan ko, pero wala akong magagawa. I need to hide this. Anyway, it was sunset sa reception and everyone's amazed. Eto ang pinakamagandang nangyari sa kasal ko, ang magandang sunset and it was really breath taking. How I wish the wedding is as perfect as the sunset.
During the reception ilang beses kaming nagkiss dahil sa mga bisita. Pero walang epekto, hindi pa rin ako ang gusto nyang bride. Wala na, tapos na. Nakapagpirmahan na kami. Ako na si Mrs. Tamie Santiago. My Kuya gave us roundtrip plane tickets papuntang Paris para sa Honeymoon. Sagot naman ng Ate Taisce ko ang hotel accommodation good for a week or two. Sila Mama at Papa ang nagbigay ng pocket money namin. Binigyan din kami nila Mom at Dad.
Marami pa kaming nareceive na regalo. Pinakamalaki sigurong regalo na natanggap namin eh yung 500k gift cheque sa home. Para makapamili daw kami ng gamit para sa bahay namin na bigay nila Ninang Essa at Ninong Jaime. Kapatid ni Papa si Ninang Essa. Sila Mama at Papa eh binigyan kami ng bahay sa Valley of Lilies Subdivision. Isang magandang subdivision na mayroong magagandang bahay. Sa 50 guests namin andami naming natanggap na regalo. Hindi na lugi sa kasal.
"Bukas pa ang flight natin diba?" Zeke asked
I just nod. Andito na kasi kami sa hotel room namin. Malamang sa isang kwarto lang kami, legal na kaming magasawa eh.
"I'll just take a bath." Sabi ko leaving him sa may bed. Mabilis lang naman ako naligo. Then sumunod naman agad si Zeke.
After a while nakaramdam na ako ng pagod kaya binlower ko na yung buhok ko para makatulog na ako.
"Paano ba yan, iisa lang ang bed." Sabi ni Zeke. He's wearing a sleeping pants and a boxer sando.
"Dito ka na lang din sa bed. Hindi ako malikot matulog." Ako
"Sure ka? Pwede tayong magtabi?" Zeke
"Zeke, magasawa na tayo at hindi natin maiiwasan ang ganito. You can sleep beside me if you want." Then inayos ko na ang gamit ko and I lay down. "Maaga pa ang flight naten bukas. You need to sleep too.Kung ayaw mo talaga akong katabi, magpapahanda ako ng isa pang hotel room." Ako
Naramdaman ko na lang na bumaba yung kama beside me. Alam ko humiga na din sya. So okay lang siguro na tabi kami. Good Night Zeke. I hope everyhting's gonna be fine.
Welcome to the married life Tamie.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?