CHAPTER 19.5

4.4K 66 1
                                    

Zeke's POV

Maaga pa nung gumising ako. 6am kasi ang call time namin para sa practice. Pagbaba ko eh kagigising lang din ni Manang. Haii nako, si Mama, sa halip na hayaang matuto si Tamie sa gawaing bahay eh kinunsinte pa at pilit na pinasama sa amin si Manang dahil ayaw nyang nahihirapan ang pinakamamahal nyang manugang. Yung totoo? Sino ba ang anak ni Mama? Mula kasi nung makilala nya si Tamie, mukhang sya na ang tunay na anak eh.

After ng practice namin, heto na naman po ang mga kabarkada ko.

"Par, may mga date ba kayo mamaya?" Andrew

"Ako Par, wala. Pero alam ko kung saan pupuntang bar sila Aira kaya susunod na lang ako dun mamaya." Mateo

"Kasama ba dun si Tamie? Sama ako Par!" Vince

"Sigurado yun. Sabi ng pinsan kong mayari nung bar, 4 stubs daw ang pinareserve nila. So for sure kasama silang lahat." Mateo

"Nice stalking Pare. Eh nakakuha ka ba naman ng stub naten?" Vince

"Oo naman. 7 pa nga eh. Baka kasi may kasama si Drew at itong si Zeke. Oh Zeke, baka isama mo si Heleyna. Ayan ha. Libre ko na." Mateo

"Matagal na kaming wala ni Heleyna." Ako

"Ganun? Tsk tsk. Akala ko pa naman nagkabalikan kayo last time. Pati sabi ng Mama ko nakita ka daw nya may kasamang magandang babae nung sabado." Mateo

"Iba yun." Ako

"Wow ha. Nabalik na ba ang kaibigan naming player?" Vince

"Tsss." Ako

"Zeke. Andito si Heleyna. Isinabay ko na pagpasok." Cyrus

"Tsk. Akala ko ba wala na kayo?" Andrew

"Wala na nga. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya dito. Tsss." Sana lang hindi malaman ni Tamie. Ay wait, eh ano naman kung malaman ni Tamie? Sabi nya naman okay lang diba?

"Sweetie!" tawag ni Heleyna.

"Ahmmmn. Ley, intayin mo na lang ako dito ha? Shower muna ako." Ako

Mabilis akong nagshower. Tsk. Ano ngayong gagawin ko? Paano kung malaman ng asawa ko at sabihin nya kila Mama? Tsk tsk. Gulo ito. So far naman okay naman si Tam eh. Bukod dun sa pagbabar nya eh tingin ko sinusubukan naman nyang maging okay. Mali na mapalapit ako kay Heleyna. Dapat siguro linawin ko na kay Heleyna ang lahat. Kung kami talaga, siguro kami nga, pero sa ngayon eh iintindihin ko na muna ang asawa ko. Tama ang Papa ko, ang panahong ito ay para sa amin ni Tamie, bakit hindi namin subukan diba?

"Aalis na tayo Sweetie?" Heleyna. I just nod.

Kapag ganito si Heleyna nuon, natutuwa ako. Pero ngayon, kinakabahan ako. Nadivert na ba kay Tamie ang pagmamahal ko kay Ley? Sa mall muna kaming dalawa nagpunta. Bago ang lahat eh nagkalinawan na kami. We are friends. Sabi ni Heleyna, nagparesere daw sya sa isang restaurant. Dinner talaga dapat yun, kaya lang, I have plan para sa amin ng asawa ko.

Sa Dayner's Heaven Restaurant.

"Zeke. Wala na ba talagang pagasa na magkabalikan tayo?" Heleyna

"I'm sorry." Ako sabay tungo

"Bakit? May iba na ba?" Heleyna

Naguguilty ako pero kailanga kong umamin sa kanya. " Sorry Ley."

She sighed deep. "Siguro nga tapos na tayo. But can we be friends? I mean, after all, marami tayong pinagsamahan."

"Sorry Ley. Sorry." Ako

"It's okay. Pero Zeke, I'll be waiting for you as long as I can. Hatever happens, you can still run to me. I love you so much." Heleyna

A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon